“DAHAN-DAHAN siyang sumilip sa nakaawang na pinto ng kanilang kuwarto. Nagtaka siya kung bakit nakaawang ang pinto ng kanilang kuwarto gayung nang umalis siya kanina ay naka-lock iyon. Inisip daw niya na baka nag-CR si Luningning at nalimutang i-lock.
“At ganoon na lamang daw ang kanyang pagkabigla sa nakita dahil nakapatong si Uok kay Luningning. Hubo’t hubad ang dalawa. UmuÂungol si Luningning dahil sa ginagawa ni Uok. Wala raw kamalay-malay ang dalawa na nakapasok na siya sa bedroom at nasasaksihan na ang kataksilan.
“Namalayan lamang ng mga ito na nasa loob na siya nang mahawakan niya ang pinto at lumikha ng ingay. Napabalikwas daw si ‘Uok’ sa pagkakapatong kay LuningÂning. Nagtakip daw ng kumot ang dalawa. Wala naman daw ginawa si Renato sa dalawang taksil. Nakatingin lang daw siya sa mga ito. Para raw ibinabad sa suka si ‘Uok’. Si Luningning maman daw ay walang reakÂsiyon. Balewala lang.
“Hindi raw alam ni Renato kung bakit wala siyang nagawa sa dalawang taksil. Nagtataka raw siya kung bakit hindi man lang nasugod ng suntok ang kaÂibigang putik na si ‘Uok’. Hindi niya maipaliwanag.
“Hanggang sa ipasya niyang umalis na. Lumabas siya ng bahay na gulung-gulo ang isipan. Hindi niya alam kung papasok pa sa trabaho o hindi. Lakad daw siya nang lakad. Hanggang sa maisipan niyang magtungo sa bahay.
“Naabutan niya ako na naghahanda na patungo sa niyugan. Napansin ko malungkot siya. Tinanong ko kung ano ang problema. Hindi sumasagot. Nakatingin lang sa kawalan. Pilit kong tinanong. Ano ba ang problema niya?
“Hanggang sa biglang umiyak. Hagulgol talaga. Awang-awa ako. Mabigat ang problema ng kapatid ko. Hanggang ipagtapat ang lahat.â€
(Itutuloy)