NANGANGANIB na mapabilang sa unsolved cases sa bansa ang ambush-slaying ni Chief Insp. Elmer Santiago. Magdadalawang buwan na ang pagpaslang kay Santiago subalit wala pang linaw o suspect ang Task Force Santiago. Mukhang hindi epektibo ang P50,000 reward na inilabas ng Task Force Santiago para sa impormasyon laban sa mga suspect tungo sa ikalutas ng kaso, di ba mga kosa? Maging ang NBI, na hiniling ng pamilya na makialam sa imbestigasyon sa kaso, ay wala pa ding positive development dito. Ano ba ‘yan? Siyempe, malaki ang tiwala ng mga kosa ko na malulutas ng Task Force Santiago ang kaso dahil kabaro nila ang biktima rito. SuÂbalit kung ang pananahimik ng Task Force Santiago at NBI sa kaso ng nasirang pulis, mukhang wala itong patutunguhan kundi ang listahan ng unsolved cases sa bansa, di ba mga kosa? T’yak ‘yun!
Sa tingin naman ng mga kausap ko, hindi makakatulong ang drug diagram ni Santiago para malutas ang pagpatay sa kanya. Bago siya kasi paslangin, gumawa si Santiago ng listahan ng pulis at sibilyan na sangkot umano sa pagpalaganap ng ilegal na droga sa Bataan na isinumite naman niya kay PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima. Iginigiit ng pamilya ni Santiago na may kinalaman ang drug diagram sa ambush-slaying niya sa Mandaluyong City noong Marso 6. Subalit wala man lang isang nilalang na sumulpot para i-link ang mga nasa diagram sa pagpatay nga kay Santiago kaya paano makakasuhan ang mga ito? At higit sa lahat, kumakalat sa ngayon sa PRO3 at sa hanay ng kapulisan na ang drug diagram ni Santiago ay “kathang-isip†lamang niya? Kasi nga wala namang sapat na katibayan, na ang mga pinangalanan ni Santiago sa kanyang drug diagram ay sangkot sa droga, maliban kay Ali Mali, na wanted sa Central Luzon. Katunayan, naglagak si Zambales Gov. Hermogenes Ebdane ng P1 milyong pabuya para matuldukan na ang negosyong ilegal na droga ni Mali. Noong hepe pa ng Bataan PNP si Santiago, ipinagmalaki niya sa kaibigang negosyanteng na si Reynaldo Muli Jr., na natunton na niya ang pinagtaguan ni Mali. Subalit sa kasamaang palad nasibak siya sa puwesto bago niya naisagawa ang paghuli ke Mali. Sayang ano, di ba mga kosa? Hehehe! Buwenas pa itong si Mali ah!
Kaya naman pala nasibak sa puwesto si Santiago ay dahil sa alingasngas ukol sa paghuli ng tropa niya kay Arturo de la Fuente II, na umano’y pamangkin ng gobernadora ng Bataan. Nakakumpiska ng shabu ang tropa ni Santiago sa sasakyan ni De la Fuente subalit kinasuhan sila dahil sa paglabag ng police operational procedure. LabinÂtatlo silang nakasuhan at nasuspende, tatlo sa mga pulis ay binanggit ni Santiago sa kanyang drug diagram. At tulad ng negosÂyanteng si Muli Jr., takang-taka ang tatlong pulis kung paano sila nasama sa drug diagram ni Santiago. Kaya nagsuspetsa tuloy si Muli alyas Kojie, na kaya naroon ang pangalan n’ya sa drug diagram ni Santiago ay para hindi niya ibubulgar ang mga abot n’yang “lakad’ nito. Puwede, di ba mga kosa? Ahhhhh! Kung buhay lang si Santiago, masasagot n’ya ang mga isyung ito. Abangan!