Mga Bagong Tips

May nagsasabing kapag daw uminom sila ng isang kutsa­rang apple vinegar sa umaga, isang araw silang hindi sinusumpong ng arthritis.

Mas mainam na mag-bake ng cookies sa muffin tin dahil hindi ito kakalat kung ito ay nasa flat tray. Isa pang kagandahan ng paggamit ng muffin tin ay nagiging soft and fluffy ang cookies.

Minsan ay hindi mo malaman kung totoo kang nagugutom o hindi. Tanungin mo ang iyong sarili kung gusto mong kumain ng mansanas. Kung hindi, naiinip ka lang at hindi nagugutom.

Ang pagkain ng pakwan ay nakakatanggal ng stress at nakakadagdag ng energy sa katawan.

Huwag itatapon ang ketchup packets na ipinamimigay sa fast foods. Puwede itong ilagay sa freezer. Tamang-tama ang size para gamiting icepack sa bukol o pasa ng mga bata.

Makukuha mo ang lahat ng juice ng lemon kung paiinitan muna ito sa microwave ng 15 seconds.

Mga 120 calories ang nasusunog sa pagtayo lang ng isang oras.

Kapag may mahalagang tinatapos na trabaho, paligiran mo ang iyong sarili ng mga bagay na kulay dilaw. Makakatulong ito na magpokus ka sa iyong ginagawa at maiiwasang antukin.

Show comments