8. Pag-isipan ang buhay at after-life. Marami sa atin ang abala sa pagpapaligaya sa mga sarili habang narito sa mundo, habang kinaliligtaan ang kaligayahan sa kabilang buhay.
Magbasa ng mga kuwento ng sakuna hindi para takutin ang iyong sarili. Kundi para malaman mo kung gaano kabilis at kaiksi ang buhay. Sa iisang iglap maaaring matapos ito, mawala ang lahat, mawala ka. At ayaw mo namang masayang ang buhay mo rito knowing na pag nawala ka ng isang iglap ay wala kang magandang maiiwan.
Magkaroon ng gratitude notebook. Itala ang lahat ng mga bagay na ipinagpapasalamat mo. Gaano pa man iyan kaliit, o kababaw. Tandaan, mas nagpapasalamat ka, mas darami ang mga bagay na ipagpapasalamat mo pa. Isa pa, kapag feel na feel mong magreklamo, balikan ang tala mo para maramdaman mo kung gaano ka ka-blessed.
Magkaroon ng spiritual master at gayahin ito. Magandang may tinutularan tayong mga tamang tao dahil nakokopya natin ang kanilang mga paraan at pananaw. Halimbawa ako, kung ang idolo ko ay si Kristo, ang lagi kong tanong kapag ako ay ipit sa pagitan ng dalawang pagpipilian: What would Jesus do? Hayaang mahulma ka ng isang indibidwal, ng isa pang identidad. Hayaan mong maisalin nila sa iyo ang kanilang wisdom at outlook sa buhay. Base sa kanilang mga karanasan, maaari mong mahulma ang buhay mo upang maging mas maligaya ka.
9. Paglaanan ng panahon at oras ang mga bagay na gusto mo.
Write a novel. Hindi ka man mahilig sumulat o sa tingin mo ay wala kang talento rito, pero lahat tayo ay may angking galing sa paglikha ng kuwento. Madaling patalasin at palawigin ang ating imahinasyon. Magsimula sa isang ideya o mga tauhan at unti-unting humabi ng kuwento. Magugulat ka na magandang release ang pagsusulat.
Make time. Kung ano man ang mga bagay na nais mo, gawan mo ng panahon na magawa ang mga ito. Eh ano kung busy ka, sino ba ang hindi? Eh ano kung wala kang pera, kailangan ba niyan palagi? Hindi mo kailangan ng matinding rason para magawa ang passion mo. Just make time. You will be happy you did.
Forget about results. Isang kagandahan ng passion ay ginagawa mo ito dahil sa nag-iisang rason na dahil pinaliligaya ka nito, at iyon lamang ang tanging dahilan, wala nang iba. Wala kang kailangang i-please o i-impress, kundi ang iyong sarili at ang iyong kaligayahan.
Master a new technology. Hindi kailangang gadget o gamit. Puwedeng application na libre sa internet. Kahit ano na maaaring i-master hanggang sa kaya mo na itong patakbuhin.