HINDI maikakaila na maganda at masarap sakyan ang rapid bus na ipinakita kamakailan ng Department of Transportation and Communication (DOTC).
Komportableng-komportable sa mga pasahero ang bus na ito na pinagdugtong na bus ang haba.
Maraming pang features sa loob na talagang maeengganyo ang mga pasahero.
Kaya nga lang, ang problema rito eh daanan.
Aba’y sa haba ng bus na ito, malaki ang masasakop nito sa kahabaan ng EDSA kung saan sa daang ito hindi rin matatapos-tapos ang problema sa matinding trapik.
Oo nga’t hindi pahinto-hinto ang naturang rapid bus dahil may itinakda lamang lugar ito nang bababaan, partikular na hanggang Makati lamang, pero makikipag-singitan ba ito sa mga pampasaherong bus sa kahabaan ng EDSA.
Ang ganitong ideya ng bus ay nasumpungan na rin sa ibang bansa, na talaga namang ginhawa sa mga mananakay.
Pero ang kaibahan nga lang nito kung sa Pinas gagamitin eh ang trapik sa mga daanan.
Unless nga lang kung may sarili itong daanan.
Maganda nga sa pero angkop ba sa ating mga kalsada?