^

Punto Mo

Uok (154)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“N AGBAGUMBUHAY na si Uok, Gab. Hindi na ako ang dating naninira ng tahanan,” sabi ni Basil kay Gab.

“Naniniwala ako sa iyo Dad. Alam kong nagsisi ka na. At siguro natutuwa si Mommy sa kinalalagyan niya dahil nagbago ka na nga. Na hindi mo naman ako pinabayaan.’’

“Sana nga ay nakikita niya ang ginawa kong pagsisisi.’’

“Pero hindi mo naman pinagtaksilan si Mommy di ba? Nagkaroon ka lang uli ng karelasyon makaraang mamatay si Mommy.’’

“Iyon nga ang pinagsisisihan ko, Gab. Sana hindi na ako nakipagrelasyon sa babaing umapi sa’yo habang ako ay nasa Saudi. Sana, nanatili akong tapat kahit wala na ang mommy mo.’’

“Kalimutan mo na yun, Daddy. Hindi na maibabalik pa ang nakaraan. Basta ngayon ay wala na tayong problema.’’

“Oo Gab. Wala nang problema.’’

“E di ipagpatuloy mo na ang pagkukuwemto kay Drew. Alam ko marami ka pang hindi naikukuwento kay Drew.’’

“Marami pa talaga. Kaya lang baka nagsasawa na si Drew.’’

“Sige magkuwentuhan na uli kayo ni Drew. May ga­gawin lang ako sa room ko.’’

Umalis si Gab.

“Marami pa akong ikukuwento kaya lang ay baka nagsasawa ka na, Drew?”

“Aba hindi po. Kung nagsasawa na po ako e di sana, umuuwi agad ako. Marami ka pa pong hindi naikukuwento. Katulad nga po noong tungkol sa mag-asawang sina Renato.’’

“Oo. Ayaw ko sanang ikuwento sa’yo yung tungkol sa mag-asawang Renato kaya lang ay nasabi ko na nga pala sa’yo na kaibigan ko siya dati. Iyon ang dahilan kaya galit na galit sa akin si Iluminado. Kasi’y hindi niya matanggap na ako pang kaibigan ng kapatid niya ang magwawalanghiya. Siguro kung makikita ako ni Iluminado baka tagain ako.’’

“Iyon din po ang pakiramdam ko. Galit nga po siya. Siya nga po ang nagbansag sa’yo ng ‘uok’. Hindi siguro mawawala ang galit niya sa iyo.’’

“Pero siguro kapag  na­rinig mo ang kuwento baka mag-isip ka rin kung ako ba ang dapat sisihin.’’

“Ikuwento mo na po.’’

“Sige.”

(Itutuloy)

AKO

ALAM

ILUMINADO

IYON

MARAMI

OO GAB

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with