10 manloloko at sinungaling
ANG mga sumusunod ang 10 manloloko at sinungaling na binanggit sa Matandang Tipan ng Bibliya:
1. Satanas (Genesis 3). Ang hari ng manloloko at sinungaling.
2. Cain (Genesis 4). Pinatay niya ang kapatid na si Abel dahil nainggit siya dito. Kunwa’y niyayang mamamasyal sila pero pagdating sa bukid ay pinatay niya si Abel. Nang itanong ng Diyos kay Cain kung nasaan si Abel, nagsinungaling at pinilosopo pa nito ang Diyos: “Hindi ko alam. Bakit ako ba ang tagapag-alaga ng aking kapatid?â€
3. Abraham (Genesis 20). Natakot si Abraham na baka patayin siya ni Haring Abimelech kapag nagkagusto ito sa kanyang asawang si Sarah. Upang iligtas ang sarili, nagsinungaling siya at sinabi sa hari na magkapatid sila ni Sarah. Pero nabisto ng hari ang katotohanan nang magpakita ang Diyos sa panaginip at tinakot ang hari na mamamatay ito dahil inagaw niya ang asawa ni Abraham.
4. Jacob (Genesis 25-27). Si Esau ay panganay niyang kapatid na nakatakdang pamanahan ng kanilang amang bulag. Palibhasa’y bulag at matanda na ang amang si Isaac, nagpanggap si Jacob sa kanyang ama na siya si Esau kaya’t siya ang nabendisÂyunan ng ama na hudyat na siya ang makakatanggap ng mana.
5. Rebekah (Genesis 25-27) Siya ang ina ni Jacob na masterÂmind sa pagpapanggap ni Jacob bilang Esau. Lihim niyang pinakinggan ang pag-uusap ng kanyang asawang si Isaac at Esau. Hiniling ni Isaac kay Esau na ipanghuli muna siya ng usa at pagkatapos ay ito ang lutuin para sa kanya bago niya igawad ang bendisyon sa anak. Habang wala si Esau, dali-daling nagluto ng kambing si Rebekah, tinawag si Jacob at inutusang pakainin ang ama at magpanggap na Esau. Nagtagumpay ang mag-ina na linlangin si Isaac. (Itutuloy)
- Latest