Uok (151)
“SUMAMA sa akin ang mommy mo sa kabila na ako ay patamÂbay-tambay noon at walang permanenteng trabaho. Kahit nakatapos ako ng pag-aaral ay wala akong makitang trabaho at siguro ay dahil tamad din ako. Pa-libhasa kasi ay may kapatid akong inaasahang tutulong at nagbibigay ng pera kaya pa-easy-easy lang ako.
“Pero nang tumagal, nagsawa na rin ang kapatid ko sa pagtulong kaya tinikis na rin ako. Siguro ay para bigyan ako ng leksiyon at matutong tumayo sa sariling mga paa.
“Naghanap kami nang matitirahan ng mommy mo. Sa isang maliit na kuwarto sa Antipolo St. Sampaloc kami nakakita. Mainit ang kuwarto kapag summer at may tumutulo naman sa kisame kapag tag-ulan. Pero sa kabila niyon, hindi nagbago ang mommy mo. Wala akong narinig sa kanya. Talagang mahal na mahal niya ako. Sabi niya, kahit sa pinaka-maliit at pinaka-mainit na kuwarto sasama pa rin siya sa akin. Ganoon niya ako kamahal.
“Nang magbuntis siya, doon ako nag-isip na kailangang may permanente na akong trabaho. Hindi na uubra ang paekstra-ekstra. Nag-aplay akong clerk sa isang banko dahil tapos naman ako ng Commerce. Natanggap ako. Maliit lang ang sahod pero mabuti na kaysa paekstra-ekstra. May regular na akong kita. Natuwa ang mommy mo. Lalo akong minahal. Lagi akong inaasikaso. Pagbutihin ko raw.
“Makalipas ang isang taon, lumipat ako sa isang maganda-gandang trabaho bilang document controller. Medyo malaki ang sahod. Dahil doon lumipat kami sa isang maayos na bahay sa may Philcoa.
“Minsan niyaya ako ng mommy mo, noon ay six months na siyang pregnant para magtungo sa kanilang bahay at humingi ng tawad sa mga lolo at lola mo. Nagtungo kami. Pero ako ay kinakabahan. Baka kung ano ang mangyari. Pero mapilit ang mommy mo…’’
Tumigil si Basil sa pagkukuwento.
“Bakit Daddy? Anong nangyari?†(Itutuloy)
- Latest