10 Property Laws ng Musmos

Basta’t nagustuhan ko ang isang laruan, akin ‘yun.

Basta’t hawak ko, akin ‘yun.

Basta’t naagaw ko sa iyo, akin ‘yun.

Basta’t nahipo ko kahit saglit lang, akin ‘yun.

Basta’t ako ang naunang nakakita, akin ‘yun.

Basta’t binitawan mo, akin ‘yun.

Basta’t naghinala ka na sa akin ang isang laruan, akin ‘yun.

Basta’t sinabi kong akin, akin ‘yun.

Ang lahat ng sa akin ay hindi mapapasaiyo.

  Pero kung sira, sa iyo ‘yun.

  Kaya lang kung minsan, nagiging property law na rin ito ng mga matatanda.

Show comments