^

Punto Mo

EDITORYAL - Pasanin din pala ang mga accountant!

Pang-masa

S A isang paid advertisement noong Marso sa mga pahayagan, ipinakita na pasan ng guro ang isang doctor. Ito ay upang ipaalam sa taumbayan na mas malaki pa ang ibinabayad na tax ng mga guro kaysa sa mga doctor na kumikita nang limpak. Sa kabila na maliit ang kinikita ng mga guro, nagbayad sila nang tamang tax samantalang ang mga doctor ay hindi nagbabayad at kung may nagbabayad iyon ay dinaya. Ayon sa isang report, sa kabila na maraming doctor sa Makati City, mabibilang lamang ang nagbabayad ng tax at iyon ay dinaya pa. Umalma naman ang samahan ng mga doctor sa paid advertisement. Bakit sila raw ang nakita ng Bureau of Internal Revenue (BIR) gayung may mga propesyunal pang kumikita nang limpak.

Pero sabi ng BIR, hindi naman daw dapat ma­galit ang mga doctor. Siguro raw ang mga nagagalit ay yung tinamaan. Kung ang isang doctor daw ay nagbabayad nang tamang tax, wala silang dapat ikabahala. Ang sabi pa ng BIR, basta magbayad ng tax walang magiging problema.

Pero hindi lamang pala ang mga doctor ang pasan ng mga guro. Pati pala ang mga accountant ay pinapasan din ng mga guro. Matindi ang natuklasan ng BIR sapagkat ang isang accountant sa Makati na kumikita ng P810,100 ay nagbayad lamang ng P313 para sa tax. At meron din na isang accountant na kumita ng P1.31 million noong 2012 ay nagbayad lamang ng P1, 361 sa tax.

Maraming propesyunal ang hindi nagbabayad ng tax at kung nagbabayad man ay dinadaya pa. Nararapat na tukuyin ng BIR ang marami pang propesyunal na hindi nagbabayad at nandadaya. Panahon na para sila singilin.

AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DOCTOR

MAKATI CITY

NAGBABAYAD

PERO

S A

TAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with