^

Punto Mo

Awayan sa pitsa

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAGGIGIRIAN ang Manila City Hall at ang opisina ni Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Rolando “Rolly” Asuncion. Ang pinag-awayan nila ay ang pitsa galing sa illegal gambling. Sinabi ng mga kosa ko na nais ng City Hall sa katauhan ni ret. Gen. Roberto Calinisan na gawing “centralized’ ang koleksiyon ng weekly “tong” sa illegal gambling. Siyempre, pumalag si Asuncion kaya hanggang ngayon, nagtitikisan pa sila, ayon sa mga kosa ko. Mukhang may bayag din itong si Asuncion ah, di ba mga kosa? Kasi nga sa pagsuwag niya sa kagustuhan ni Manila Mayor Erap Estrada, sa katauhan nga ni Calinisan, ibig sabihin niyan diyeta siya sa suporta ng City Hall. Tiyak ‘yun! Hehehe! Sino kaya ang unang kukurap?

Sa pagmamaniobra nga ni Calinisan, naitsapuwera ang opisina ni City administrator Simeon Garcia at City Hall detachment head Chief Insp. Bernabe Irinco sa kalakaran sa illegal gambling at iba pa. At para maatim ang balakin n’ya, ni-request ni Calinisan, sa pamamagitan ni Erap, na sibakin ni Asuncion sina Supt. Villamor Tuliao, hepe ng MPD intelligence at kapatid na si Supt. Jackson Tuliao, hepe naman ng MPD Station 2. Sinabi ng mga kosa ko na itong Tuliao brothers ang nasa likod ng weekly “tong” collection naman ni Asuncion. Ayon sa mga kosa ko, ginamit pa ng kampo ni Erap ang City council para masibak ang Tuliao brothers, subalit hindi sila pinagbigyan ni Asuncion. Hehehe! ‘Yan ang hepe! Get’s n’yo mga kosa? Hindi sa lahat ng oras ay tama ang City Hall! Mismo!

Kaya sa ngayon, gerilya ang kalakaran ng illegal gambling sa Maynila. Ang ibig kung sabihin mga kosa, ang lahat ng delanterang puwesto ay sarado at ang bukas lang ay ang mga tago o ‘yaong puwestong nasa dulo ng kalye at hindi naaarok ng mga operating units ng PNP, NBI at GAB. Hanggang hindi nagkakasundo ang City Hall at si Asuncion, tiyak hahaba pa ang panahon na mananatili ang gerilya operation ng illegal gambling sa Maynila, di ba mga kosa? Sa sitwasyong ito, ang naiwang luhaan ay ang CIDG, NCRPO, NBI, GAB, IG, DI at iba pa sa kung hindi kararampot, bokya ang intelihensiya nila sa Maynila. ‘Ika nga, idadrama lang sila ng gambling lords at financiers para maka-menos ng lingguhang intelihensiya. Get’s n’yo mga kosa? Kung sabagay, hindi lang naman ang nabanggit kong mga opisina ang lugi mga kosa, kundi maging ang gambling lords at financiers mismo bunga sa liliit ang kita nila dahil sa nagtatago ang mga kubrador nila at hindi sapat ang mga taya na makolekta. Sa pagkaalam ko, ang lotteng lang ang gumagana sa ngayon sa Maynila dahil hindi halata ang operation nila. Mismo!

Kasama sa nagmamatyag sa ngayon sa girian ng City Hall at ni Asuncion ay ang mga precinct commander ng MPD. Pilit pinasara ng mga precinct commander ang mga puwesto ng illegal gambling sa hurisdiksiyon nila dahil kapag nahulihan sila ng City Hall at MPD, t’yak sa kangkungan ang bagsak nila. Kaya goodbye muna sa operation ni VK queen Gina Gutierrez, sa sakla at jueteng ni Jessie Viceo at sa bookies nina Boy Abang, SPO2 Paknoy Fresnedi, Delfin “Daboy” Pacia, Jeff Gomez sa Sampaloc Erlan ng Masagana, at Freddie Sy, at sakla rin ni Ric Arce. Ang kukurap talo! Tiyak ‘yun! Abangan!

ASUNCION

CALINISAN

CITY

CITY HALL

GAMBLING

HALL

KOSA

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with