^

Punto Mo

EDITORYAL - Linisin ang Dep’t of Agriculture

Pang-masa

SA bibig na mismo ni dating senador at ngayo’y presidential adviser on food security and agricultural modernization Francis Pangilinan nanggaling na inilagay siya ni President Aquino sa puwesto para linisin ang Department of Agriculture. Hindi ia-appoint ni P-Noy si Pangilinan kung hindi niya nakikitang talamak­ ang katiwalian sa tanggapang pinamumunuan ni Sec. Proceso Alcala. Sabi ni Pangilinan makaraang panumpain ni P-Noy noong Martes, inatasan daw siya ng Presidente na linisin sa corruption at smuggling ang agriculture department. Apat na ahensiya ang hahawakan ni Pangilinan, ito ay ang National Food Authority, National Irrigation Administration, Philip­pine Coconut Authority at Fertilizer and Pesticide Authority.

May kasanayan na si Pangilinan sa pagsasaka kaya maaaring magampanan niya ang tungkulin. Mas maganda kung una niyang tututukan ang smuggling ng bigas na labis na nagpapahirap sa mga magsasaka. Talamak­ ang smuggling sapagkat may mga kakutsabang maiimpluwensiyang opisyal umano sa NFA. Sa kabila na may itinuturo nang bigtime smuggler ay hindi pa rin maparusahan sapagkat may mga kumakalong na matataas na opisyal.

Dahil sa talamak na rice smuggling, ang nawawalan ng ikinabubuhay ay ang mga local na magsasaka ng palay. Dahil mas mura ang smuggled rice, hindi na nabibili ang mga ani ng magsasaka. Napipilitan silang ibenta ng mura at nalulugi sila sapagkat mahal ang fertilizer at insecticide.

Kapag naputol ni Pangilinan ang smuggling, maraming magsasaka ang matutuwa. Pagkatapos ng smuggling, sunod na linisin ni Pangilinan ang NFA na batbat din ng katiwalian.

COCONUT AUTHORITY

DAHIL

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FERTILIZER AND PESTICIDE AUTHORITY

FRANCIS PANGILINAN

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

P-NOY

PANGILINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with