“Ang traysikel drayber na nakatingin sa akin noong una kaming magkakilala ni Osang ang nasakyan ko. At sabi niya, noon pa raw niya ako gustong makausap para mabigÂyang babala ukol kay Osang pero hindi raw siya nagkaroon ng pagkakataon. Sabi ng traysikel drayber, minsan nang nahuli si Osang ng mister nito na nasa Saudi pero pinatawad lang. Ang naging kabit ni Osang ay isang tinedyer. Nahuli mismo sila sa bahay. Mabuti at hindi sila pinatay. Mabait kasi ang asawa ni Osang at nag-born again daw.
“Lubha akong naguluhan sa sinabi ng drayber kaya tinanong ko nang tinanong ito. Sinabi ko na gustong magpa-anak si Osang kaya nakipagrelasyon sa akin. Kasi raw imposibleng mabuntis siya ng asawa dahil may edad na ito at may deperensiya dahil sa sobrang init sa Saudi.
“Sabi ng drayber, nabuntis daw ito ng tinedyer na nakatalik pero nakunan. Pinatawad lang ito ng asawa kaya nagsama.
“Tanong ko sa drayber, buntis kaya si Osang nang umalis sa bahay nila. At nasaan ang asawa. Sagot ng drayber, hindi raw niya alam kung buntis si Osang dahil nang makita niya ay maliit ang tiyan. Yung asawa naman ay hindi alam ang kinaroroonan. Basta binenta ang bahay nila at nawalang parang bula.
“Mabuti raw at hindi kami nahuli ng asawa ni Osang kundi ay baka pinatay ako. Hindi ako nakapagsalita nang sabihin iyon ng drayber.’’
“Maari kayang nabuntis mo si Osang, Sir Basil?’’
‘‘Hindi ko alam. Maaa-ring oo at maaaring hindi.’’
“Kung nabuntis, mayroon palang kapatid si Gab.’’
“Sana hindi ko nabuntis dahil baka sumama pa ang loob ni Gab. Gusto kasi niya, siya lang ang anak ko.’’ (Itutuloy)