MABUTI pa sa South Korea at may “delikadesa†ang lider. Inako ni Chung Hong-won, ang resÂponsibilidad sa paglubog ng passenger ferry na ikinamatay ng 300 katao na karamihan ay school children. Sabi ni Chung, corruption at gawaing makademonyo ang nakikita niyang dahilan kaya nangyari ang trahedya. Sabi pa ni Chung, humihingi siya ng tawad sapagkat hindi niya nagawang mapigilan ang pangyayari at naging mabagal din ang pagdalo ng gobyerno sa mga biktima. Bilang prime minister, inaangkin niya ang nangyari at nagbibitiw siya sa puwesto.
Lumubog ang Sewol noong nakaraang linggo habang sakay ang 476 na pasahero na karamihan ay mga bata. Ayon sa report, napigilan sana ang pagkamatay ng mga pasahero kung hindi nag-panic ang crew at hindi naging maayos ang desisyon ng kapitan ng ferry. Nagkaroon umano ng pagkakagulo at napunta sa isang side ang ferry dahilan para lumubog. Marami pa umanong pasahero sa ilalim ng ferry pero nahiÂhirapang kunin ng rescuers.
Nabatid na overloaded ang Sewol kaya mabilis ang naging paglubog. Nabatid din na ang manipesto o listahan ng mga pasahero ay hindi tama at maraming kulang. Ibig sabihin, nagpasakay nang nagpasakay ang ferry sa kabila na sobra-sobra na ang pasahero at hindi na naitala sa manipesto.
Nabalot ng corruption ang biyahe ng Sewol at ang nagdusa ay ang mga kawawang pasahero na pawang mga bata.
Ang nangyaring trahedya ng barko sa South Korea ay nangyari na rin sa Pilipinas at marami na rin ang namatay. Nang lumubog ang M/V Doña Paz na nakabanggaan ang tanker Vector noong 1987 ay mahigit 4,000 ang namatay. Overloaded din ang barko nang mangyari ang trahedya. Lumubog din ang Princess of the Stars sa Romblon na ikinamatay ng 700 pasahero. Lumubog din ang Princess of the Orient sa Fortune Island sa Batangas na ikinamatay ng 150 pasahero.
Pero sa kabila nito, walang pinuno ng Pilipinas ang umako sa trahedya. Walang nag-offer na mag-resign dahil sa “delikadesaâ€. Hindi katulad sa South Korea na isang ferry lang ang lumubog pero mabilis na nag-resign. Mabuti pa sila at may kahihiyan. Sa Pilipinas, pakapalan.