^

Punto Mo

EDITORYAL - Palayain ang mga batang manggagawa

Pang-masa

NGAYONG Labor Day, sana’y mabigyang pansin ang kalagayan ng mga batang manggagawa. Kaawa-awa ang mga batang manggagawa na nayu­yurakan ang karapatan dahil pilit na pinagtatrabaho para kumita. Marami sa kanila ang mga nasa pabrika, bukid, minahan, asinan, construction at iba pa. Mahina pa ang kanilang mga balikat subalit nagbubuhat na. Sa halip na gugulin ang panahon sa loob ng school at mag-aral nagtatrabaho na sila. Nasa edad lima hanggang 17 ang mga batang manggagawa. Karamihan sa kanila ay dating nag-aaral subalit dahil sa kahirapan ng buhay, napipilitan silang tumigil para tulungan ang kanilang mga magulang.

Ayon sa National Statistics Office (NSO), nasa 5.49 milyon ang mga batang manggagawa sa bansa. Mula lima hanggang siyam na taong gulang ay nag-aaral pa ang mga bata (mga 90 percent) subalit habang tuma­tagal ay nababawasan na ang kanilang bilang. Pagdating ng edad 15 ay 50 percent na lamang ang nasa school. Iba’t ibang trabaho na ang kanilang pinapasok para matulungan ang mga magulang at para magutom.

Ayon sa International Labor Organization, dahil sa maagang pagsabak ng mga kabataan sa pagtatrabaho, ninanakaw ang kanilang karapatan na mamuhay nang normal bilang mga bata. Nawawala rin ang kanilang dignidad at potensiyal. Bumabagsak sila sa pagiging alipin, maaagang nawawalay sa kanilang mga ma­gulang at nalalantad sila sa panganib ng pagkakasakit. Ang masama pa, marami sa kanila ang nasasadlak sa masamang gawain. Dahil iba’t ibang uri ng tao ang kanilang nakakasalamuha, naaakit sila na gumawa ng masama. Ang ilan sa mga kabataang babae ay nasasadlak sa prostitusyon. Kahirapan ng buhay ang dahilan kaya parami nang parami ang mga batang manggagawa. Ilang administrasyon na ang nagdaan subalit ang problema sa child labor ay hindi nabawasan kundi dumami pa nga.

Ngayong Labor Day, sana magawa ng gobyerno na hanguin sa pagkaalipin ang mga bata. Nararapat sila sa eskuwelahan para makapanday ng kaalaman. Tulungan sila.

AYON

BUMABAGSAK

DAHIL

ILANG

INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION

KANILANG

NATIONAL STATISTICS OFFICE

NGAYONG LABOR DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with