^

Punto Mo

Uok (135)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ITINULOY ni Basil ang pagkukuwento ng kanyang karanasan kay Drew. Iyong ang ikatlong kuwento ni “Uok”. Habang nagkukuwentuhan sila, nasa di-kalayuan naman si Gab at may ginagawa sa laptop.

“Kahit pa dalawa nang babae ang nagkaroon nang hindi magandang wakas, hindi pa rin ako napigil sa pagtungo sa probinsiya kung summer. Aywan ko ba kung bakit sa kabila na may masamang nangyari, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na magtungo roon para magbakasyon. Wala naman akong masamang intensiyon kaya nagpupunta kundi para lamang makasagap ng sariwang hangin at makapagligo sa Ilog ng Pola. At isa pa, lagi akong inaasahan ng mga pinsan ko kapag summer.

“At nang summer na iyon ko nakilala ang ikatlong babae na nagkaroon din ng bahagi sa aking buhay. Ang pangalan niya ay Rosalia. Palayaw ay Osang. Mga 45 years old siya at maganda. Sexy. Mahaba ang buhok. Mukhang mabait.

“Nasa isang sari-sari store ako at bumibili ng shampoo nang lumapit si Osang at magtanong ng address. May bitbit siyang plastic bag na halatang may lamang pasalubong ga-ling Saudi dahil sa marking nito. May nakasulat na pangalan at address sa bag. Tinanong niya sa akin kung kilala ang taong nakasulat sa bag.

“Pero naging matapat ako sa kanya at sinabi kong nagbabakasyon lamang ako rito sa barangay. At ang sabi ko, itanong namin sa may-ari ng sari-sari store at baka alam. Ako na ang nagtanong sa may-ari ng sari-sari. Kilala raw ng may-ari ang nakasulat sa bag. Ang bahay ay malapit lamang sa basketball court.

“Nagmagandang loob na ako sa babae – kay Osang na sasamahan siya. Kabisado ko ang basketball court. Naka-hinga nang maluwag si Osang. Sabi niya kanina pa raw siya hanap nang hanap pero walang makapagturo sa kanya.

“Lumakad na kami. Nag-uusap kami habang naglala­kad. Nagpakilala siya. Nagpakilala rin ako. Siya na ang nagsabi na ang bag na bitbit ay pinadala lamang ng kasamahan ng kanyang asawa galing Saudi. Nagbakasyon daw si Mister niya at pinakiusapan ito ng kasamahan. Tinanong ko kung bakit hindi ang Mister niya ang nagdala niyon sa bahay ng kasamahan, sabi ni Osang, umalis din agad ang mister niya. Sandali lang daw kaya siya na ang nagdeliber.

“Nakita agad namin ang bahay na hinahanap at ibinigay ni Osang ang plastic bag na galing Saudi.

“Naglakad muli kami pabalik sa may sari-sari store. Sa kabilang barangay pala siya nakatira. Sasakay daw siya ng traysikel. Nagpasalamat siya sa akin dahil sa pagtulong ko sa kanya. Sagot ko’y walang anuman. Maliit na bagay lang ‘yun.

‘‘Pero nagkatitigan kami. Matagal. Nang lumakad siya patungo sa sakayan ng traysikel, sumunod ako...’’

(Itutuloy)

 

AKO

AYWAN

NAGPAKILALA

NANG

OSANG

PERO

SARI

SIYA

TINANONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with