Kasalukuyan umanong sinasaliksik at ineeksperimento ng isang tinatawag na Boston Retinal Implant Project (BRIP) sa Amerika ang pagbuo ng isang bionic eye na magpapabalik sa paningin ng mga bulag.
Pero makikinabang lang muna sa bionic eye na ito yaong dati nang nakakakita na nabulag lang dahil sa mga sakit o dahil sa katandaan.
Ano ang BRIP? Sabi sa website nito, itinatag ito noong 1980s bilang kolaborasyon ng Harvard Medical School, Massachusetts Eye and Ear Infirmary at ng Massachusetts Institute of Technology at binubuo ng mga biologist, engineer at physicians para lumikha ng mga medical device na makakatulong sa mga bulag.
Ang bionic eye ay isang implant na batay sa isang maliit na “chip†at ikinakabit sa likod ng retina sa likod ng mata (eyeball). Isang ulta-thin wire ang nagpapalalas sa sirang optic nerve ng mata. Layunin nito na maghatid ng liwanag at imahe sa vision system ng utak. Ang gagamit nito ay pagsusuotin ng isang salamin na may nakakabit na malinggit na battery-powered camera at isang transmitter na maghahatid ng mga imahe sa chip na nakakabit sa likod ng retina. Tinataya ng mga researcher na tatagal nang hanggang 10 taon ang device na ito.
Ayon sa paliwanag ng mga scientist, epektibo lang ang bionic eye sa mga bulag na dating nakakita o hindi ipinanganak na bulag dahil alam na ng utak nila kung paano magproseso ng visual information. Wala umanong kakayahan ang utak ng mga taong ipinanganak na bulag para magproseso ng datos na tinatanggap sa pamamagitan ng wire. Kailangan ding gumagana kahit bahagya ang optic nerve na siyang sitwasyon ng mga bulag na dating nakakakita o hindi ipinanganak na bulag.
Sinasabi ng mga reasearcher na, bagaman meron pang mga limitasyon ang device, malaking pakinabang ito sa maraming tao lalo na iyong nagkaroon ng age-related macular generation na nagbubunsod ng pagkabulag at sa nagkaroon ng tinatawag na retinitis pigmentosa (a genetic condition).
• • • • • •
Ayon sa pananaliksik ng Center for Genomics and Systems ng New York University, merong 3,000 anyo ng mga bacteria na matatagpuan sa mga perang papel. Ito ay batay sa pagsusuri nila sa mga dollar bills. Kabilang sa mga bacteria na ito ay yaong nagdudulot ng ulcers, pneumonia, food poisoning, at staph infections. Kaya, dahil hindi naman maiiwasan ang mga perang papel, ipinapayo nila na ugaliing maghugas ng mga kamay pagkatapos humawak ng ganitong pera.