^

Punto Mo

100 Amazing Secrets (7)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

61. Ang  paste mula sa pinaghalong flour, vinegar and salt ay mainam na panlinis ng  brass, copper, or alloy. Ipahid ang mixture sa gamit na nililinis at hayaang nakababad ng isang oras. Banlawan at kuskusin ng kamiseta.

62. Magiging mabilis ang paggupit sa linoleum kung ibibilad muna ito sa araw ng lang oras.

63. Paano tanggalin ang bubble gum sa Carpet: Patigasin muna ito sa pamamagitan ng pagkuskos ng yelo. Unti-unting hilahin ang nakadikit na bubble gum.

64. Gumamit ng potato peeler sa chocolate kung kailangan  ng chocolate shavings sa recipe.

65. Gusto mo ng bilog na sunny side up? Magbilog ng aluminum foil. Magmumukha itong ring. Pahiran ng oil or butter ang loob ng ring. Ipatong sa frying pan na may cooking oil. Sa loob ng ring lutuin ang itlog.

66. Para hindi  kumapit ang lansa ng isda sa kamay, basain ang kamay ng cold water bago magkaliskis ng isda. Pagkatapos maglinis ng isda, hugasan ng sabon at tubig ang kamay.

67. Kung pinaghihiwalay ang egg white at yolk, mabilis matatanggal ang sumamang eggwhite sa yolk kung gagamit ng kamisetang binasa ng malamig na tubig. Idampi ang kamiseta sa yolk at agad didikit ang white nito.

68. Dry ang cake? Balutin ng mamasa-masang malinis na katsa or kamiseta (cotton) ang cake. I-set ang oven sa pinakamababang temperature. Lutuin muli ang cake hanggang matuyo ang katsa or kamiseta.

69. Ang oatmeal ay mainam na pampalapot ng soup dahil nagdadagdag ito ng lasa at linamnam.

70.  Sandaling ilublub ang kutsilyo sa kumukulong tubig bago gamitin sa paggagayat ng patatas. Magiging mabilis at madulas ang paggayat. (Itutuloy)

BALUTIN

BANLAWAN

GUMAMIT

IDAMPI

IPAHID

IPATONG

ITUTULOY

LUTUIN

MAGBILOG

MAGIGING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with