‘Sex offenders sa Amerika’

ANG isang sex offender ay habambuhay ng sex offender.

 Sila ang mga on-parole status na markado ng batas na ipinatutupad sa Amerika.

 Mga indibidwal na nasangkot o gumawa ng krimeng may kinalaman sa pang­hahalay, pang-aabuso, pangmomolestiya at pakikipagtalik sa mga menor de edad.

 Tinatawag na sex offender ang isang tao kapag nilabag nila ang Megan’s Law, isang batas na mahigpit na ipinatutupad sa Estados Unidos.

 Kasama ang BITAG, sorpresang binisita ng mga detective ng Daly City Police Department  ang ilan sa sabjek ng Megan’s Law.

 May prosesong sinusunod at ipinatutupad ang mga law enforcement agency sa mga sex offender.

 Ayon sa mandato, obligado silang magreport sa kanilang nakatalagang parole officer limang araw bago at pagkatapos ng kanilang kaarawan at kung lilipat man sila ng tirahan.

 Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente ng komunidad at ma-protektahan partikular ang mga menod de edad na kababaihan.

 Mayroon ding website na itinalaga ang mga alagad ng batas  para makita, malaman at  matukoy ng mga residente ang mga tinutuluyan ng sex offender.

 Panoorin ang pakikiangkas ng BITAG Team Ride Along sa mga Daly City police sa pagmo-monitor sa mga “markado” na ng batas sa Amerika.

 Abangan ang advance screening ng “Sex Offender” mamayang alas-8:00 ng gabi sabitagtheoriginal.com click “New Generation.”

 

Show comments