^

Punto Mo

Ano bang nangyayari sa NCRPO?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

IMBES na mangilin noong nakaraang Holy Week, nagsagawa ng walang humpay na raid ang NCRPO sa mga pasugalan sa Metro Manila. Pero maaga pa para husgahan kung ang kaliwa’t kanang raid ng NCRPO ay bahagi ng “no take” policy ni DILG Sec. Mar Roxas. Kung ang mga kosa ko sa NCRPO naman ang tatanungin, ang mga raid na ito ay “moro-moro” lang! Hindi naman nais ng NCRPO raiders na maipasara ang mga pasugalan kundi para lang itaas sa P1 million weekly ang tong collection nila. Kaya lang abot-langit na ibinabando ng mga kosa ko sa Bicutan na walang basbas ni NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria ang sistema ng mga bataan n’ya. Kaya lang, nagmamasid sina CIDG Dir. Benjamin Magalong, DI chief Dir. Charles Calima, Intelligence Group head Chief Supt. Bong Ramos, at NBI director Virgilio Mendez sa pakana ng NCRPO. Ang CIDG, DI, IG at NBI ay “kumukurot” na sa illegal gambling at kapag nagtagumpay ang mga raid ng NCRPO, may posibilidad na gayahin din nila, di ba mga kosa? Hehehe! Sino ba ang ayaw ng pitsa? Kanya-kanyang raket lang ’yan!

Ang mga “cashier” pala na nakuha ni NCRPO intelligence chief Sr. Supt. Elmer Cabreros ay sina SPO2 Noel de Castro at SPO1 Jojo Cruz. Matapos ang malawakang raid ng NCRPO sa pasugalan, pumoporma kaagad sina De Castro at Cruz sa gambling­ lords para sa kanilang lingguhang intelihensiya. Siyem­pre, bibiritin o hihingin nila ang mataas na halaga weekly at walang magawa ang gambling lords kundi sumunod dahil ayaw din nilang magulo ang kanilang tabakuhan, di ba mga kosa? At ang ipinangalandakan nina De Castro at Cruz ay reporting sila kina Chief Supt. Allen Bantolo, at Sr. Supt. Jimili Macaraeg, ang CDS at comptroller ng NCRPO. Ano ba ’yan? Kasama rin sa taga-ikot nina De Castro at Cruz sina alyas Arthur, Jerry, at Capt. Gilbert Cruz, na sagradong bata ni Bantolo at naka-assign sa MPD Station 1. Sinabi ng mga kosa ko sa Bicutan na may alyas Botchok din na umiikot sa mga pasugalan na gamit ang pangalan ni Bantolo. Ngeek! May sariling “butas’ si Bantolo? Ano ba itong nangyayari sa NCRPO Dir. Valmoria Sir at mukhang nagmamadali ang mga “bataan” mo? Totoo ba ang balita na paalis ka na?

Sinabi ng mga kosa ko sa Bicutan na ang taga-ikot ng NCRPO sa southern at northern Metro Manila ay si alyas Lakay. Minamanduhan si Lakay nina Gilbert at Jerry. Sa NPD naman ay si alyas Cris na retiradong pulis at rekta kay Cruz. Sa MPD ang taga-ikot ay si alyas Unyo na bata naman ni De Castro. Ang Quezon City ay nakatoka mismo kina Gilbert at Jerry. Teka nga pala, bakit wala sa listahan ang eastern Metro Manila? Mismo!

Sa tingin ng mga kosa ko sa Bicutan, mahihirapan ang mga doberman ng NCRPO na makamtan ang P1 milyon target nila kada linggo. Pero ang taga-CIDG, DI, IG at NBI ay nanana­langin na makuha ng NCRPO ang target nila para sila naman ang kumana at maitaas din ang “nakukurot” nila. Hehehe! Ano ba talaga mga tsong ko sa PNP at NBI? Pero kuwidaw sila at baka makarating kay Roxas ang paglabag nila ng “no take” policy niya at matapon sila sa kangkungan! Abangan!

vuukle comment

ANO

BANTOLO

BICUTAN

CHIEF SUPT

CRUZ

DE CASTRO

METRO MANILA

NCRPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with