Uok (129)
“BAKIT matamlay ka, Drew?’’ tanong ng kanyang daddy nang umuwi siya ng bahay galing kina Gab.
“Galit sa akin si Gab, DadÂdy. Ayaw akong kausapin. Nagkukulong sa kuwarto.’’
‘‘Bakit ano bang ikinagalit, dahil dun sa pagseselos mo na wala sa lugar?’’
‘‘Opo.’’
‘‘Sino ba yung pinagselosan mo at bakit ganoon na lamang ang galit sa’yo ni Gab?’’
‘‘Bading po pala yung kausap ni Gab. Kaklase niya nung high school.’’
Napahagalpak ng tawa ang daddy ni Drew. Hindi matapus-tapos ang pagtatawa. Kahit nagsasalita na ay humahagikgik pa rin.
‘‘Bading yung pinagse-losan mo, he-he-he! Hindi mo ba nahalata? Sabi ko nga sa’yo huwag agad huhusga.’’
‘‘Nakatalikod kasi yung baÂding at ang sarap ng tawanan nila. E si-yempre lalaki naÂman ako at mahal si Gab kaya ang reaksiyon ko ay para bang inaÂgawan ako.’’
Lalong huÂmagalpak ng taÂwa ang daddy ni Drew.
“Grabe ka taÂlagang magselos. Sana kinontrol mo ang emosyon mo.’’
“Dad naman, kung ikaw ang nakarinig ng tawanan ni Gab at ng bading, talagang magseselos ka. Kasi’y talagang noon ko lang nakitang tumawa si Gab nang todong-todo.’’
‘‘Hindi mo nabosesan ang bading?’’
“Hindi.’’
Napailing-iling ang daddy ni Drew.
“Anyway, nandiyan na ‘yan. Ang tanging magagawa mo ay suyuin mo si Gab. Lalambot din yun. Magpakita ka nang pagsisisi sa ginawa mo. Huwag kang titigil. Huwag mong pawawalan si Gab sapagkat nakikita kong mabuting babae.’’
“Opo Daddy. Bukas dadalawin ko uli siya.’’
“Sige. Dalhan mo ng roses. Ang babae ay mada-ling mapaibig kapag binigyan ng roses.’’
“Dinalhan ko nga siya Daddy. Bukas dadalhan ko uli.’’
“Good.’’
KINABUKASAN, nagtungo uli si Drew kina Gab. May dalang bulaklak. Habang kumakatok, nagdadasal na sana ay kausapin na siya ni Gab. Parang hindi siya tatagal kapag hindi nakakausap si Gab. Nasanay na siya na laging nakikita at nakakausap si Gab.
May nagbukas ng pinto. Hindi humihinga si Drew.
(Itutuloy)
- Latest