Ama

Ang mabuting ama may mabuting anak

Sa buhay ng tao ay ito ang dapat;

Ngunit bakit kay kung minsa’y baliktad

Mayro’ng mga ama na daig ng anak!

 

May mga ama kasi na dahil sa bisyo

Napapabayaan ang anak na bunso;

Nawarde-warde ang amang nagloko

Dinaig ng anak lumaking matino!

 

Kaya sa daigdig ang buhay ng tao

Hindi mo masabi kung saan patungo?

Mayroong mga ama na asal-demonyo

At may mga anak na puro modelo!

 

Marahil ang anak ay naging marangal

Dahil sa may inang babaing huwaran;

Kaya itong anak ang pinamarisan

Ay ang kanyang inang kabal-banalan!

Show comments