PINAPASOK ni Basil si Drew.
“Maupo ka Drew,†sabi ni Basil.
Naupo si Basil. Ipinatong sa center table ang nasa kahong mga bulaklak ng roses.
“Si Gab po Sir Basil?’’
Tiningnan ni Basil si Drew bago nagsalita.
“Nasa kuwarto niya. Maysakit!’’
“Ano pong sakit, Sir Basil?†May pag-aalala sa boses ni Drew.
“Trangkaso. Biglang nagkatrangkaso.â€
“Kailan pa po?â€
“Kailan ka ba huling nagpunta rito?â€
“Mga dalawang araw na po ang nakalilipas.â€
“Kung ganoon, dalawang araw na siyang may sakit. Ganyan kasi si Gab kapag may malalim na iniisip. Ayaw kumain. Laging nagkukulong sa kuwarto. Ako tuloy ay naaawa sa anak ko. Hindi ko naman alam ang tunay na dahilan at nagkaganoon,’’ sabi ni Basil at umiling-iling.
“Dahil po sa akin, Sir Basil. Ako ang dahilan kaya siya nag-isip at nagkasakit.â€
“Ganun ba? Hindi naman niya sinabi sa akin, pero sa kilos, palagay ko’y baka nga ikaw ang pinuproblema.’’
“Ako nga po siguro dahil bigla na lamang akong umalis dito noong dumalaw ako. Tapos e tumawag siya sa akin sa phone pero hindi ko sinagot. Banas po talaga ako. Pero napagpayuhan po ako ni Daddy at narito ako para mag-sorry. Nagdala nga po ako ng isang dosenang bulaklak para sa kanya.’’
Napangiti si Basil.
“Ano ba talaga ang nangyari, Drew?â€
“Sumumpong po ako. Kasi’y mayroong dumalaw na lalaki rito at masaya silang nagkukuwentuhan. Hindi ko alam kung bakit masaya si Gab habang nakikipagkuwentuhan. Palagay ko nililigawan siya nung lalaki. Kasi po nung pumasok ako, parang kinikiliti sa pagtawa si Gab.’’
Biglang napahagalpak ng tawa si Basil. Naisapo ang kamay sa tiyan dahil sa pagtawa. Halos mayugyog ang inuupuan dahil sa pagtawa.
“Bakit po Sir Basil? Bakit ka po nagtatawa?â€
“Kasi’y nag-isip ka agad ng negatibo sa kausap ni Gab. Sana nag-imbestiga ka muna.’’
“Bakit po?â€
“Kasi’y bading yung kaÂusap ni Gab. Classmate noong high school at ngaÂyon lang sila nagkita. Hindi siya dapat pagselosan, dahil bading nga, ha-ha!’’
Parang sinampal si Drew. Kakahiya kay Gab.
(Itutuloy)