‘Laging maaasahan’
KAMAY na pang-akay at balikat na pangsalo sa bigat na ‘di na madala pa. Ganito umalalay ang mga kapamilya ng mga pasyenteng halos ‘di na makatayo sa hirap ng kanilang kundisyon.
Tulad nila, ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO) ay kaagapay rin ng mga kagaya nilang may karamdaman na kinakailangan ng tuluyang gamutan.
Ang programa sa radyo ng PCSO, ang “PUSONG PINOY†ng DWIZ 882 KHZ. Umiere tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga. Hosted by Atty. Jose Ferdinand Rojas II o “Atty. Joyâ€--- General Manager ng PCSO at ni Monique Cristobal ay walang sawang tumutulong sa mga pasyenteng gaya nila.
Isa na sa mga lumapit sa programang “PUSONG PINOY†si Camile Teresa Lema ng Alaminos, Laguna. Hinihingi niya ng tulong medikal ang pagpapagamot sa bayaw na si Rodolfo Awarez, 63 anyos may sakit sa puso. Sumailalim na sa angioÂplasty si Rodolfo dawalang taong ng nakakaraan. Nakita sa kanyang angiogram result na merong bara ang ugat ng kanyang puso. “Malapot daw ang dugo niya kaya’t nagkaroon ng bara,†ani Camile. Nasa Alaminos, Laguna si Rodolfo. Biyudo na siya at nasa malalayong lugar ang kanyang mga anak. Magkadikit lang ang bahay nila kaya’t si Camile ang tumutulong kay Rodolfo. “Madalas hirap siyang huminga. Nitong huli nakakita na naman ng bara sa ugat ng kanyang puso,†kwento ni Camile. Kailangang ipagpatuloy ni Rodolfo ang pag-inom ng kanyang maintenance medicines’ para tuluyang gumaling. “Kaunting kilos lang hinihingal na siya… pahinga talaga ang kailangan,†ani Camile. Sa ngayon, nasa bahay si Rodolfo at bawal siyang magkikilos. Kahilingan ni Camile maasistehan sila sa gastusin sa pagpapagamot sa bayaw. “Sana matulungan niyo kami… sana matulungan niyo po ang bayaw ko…†panawagan niya.
Mula pa sa bayan ng San Fernando, Pampanga nagsadya rin sa programang “PUSONG PINOY†si Liza Quimora. Inilapit niya ang kapatid na si Erwin Bantola, 40 anyos para sa Magnetic Resonance Imaging (MRI) nito. Taong 1993, na-diagnose na may Multiple Sclerosis (MS) ang kapatid. Isang kundisyon kung saan ang unti-unting nasisira ang ugat o ‘nerves’ ng utak. Kalahati nang katawan (kanan) ni Erwin ang nanigas—parang na-‘stroke’. “Wala pang gamot sa sakit na ganito. ‘Muscle relaxant’ lang ang binigay sa kanya ng doktor,†ayon kay Liza. Third year college student pa lang si Erwin ng dapuan ng ganitong uri ng sakit. Hindi makontrol na pangiÂnginig ng tuhod ang unang naramdamang sintomas ni Erwin. Pinatingin nila ito sa doctor at niresitahan siya ng gamot. Nawala naman ang panginginig subalit isang araw nagising ito na para na siyang paralisado. Sinabi daw nun ng doktor na pwedeng umayos ang kundisyon ni Erwin subalit hindi na bumalik sa dati ang sigla ng kapatid “Mababa na ang immune system niya. Kinailangan niyang uminom ng food supplements para mabatayan ang kalusugan niya…†anya ng kapatid. May asawa at isang anak na si Erwin subalit dahil sa kanyang kondsiyon ‘di na siya nakapagtrabaho ng maayos. “Gusto sana namin kumuha ng partial disability sa SSS pero kailangan namin ng resulta ng MRI subalit nagkakahalaga ito ng halos P19,000, may kabigatan. Sana matulungan niyo kaming mapa-MRI ulit ang aking kapatid… salamat po,†kahilingan ni Liza.
Isang labing dalawang taong gulang na bata, si Christian Carl Balatazar, may sakit sa Kidney ang inilapit ni Rowena Natividad taga Pateros. Kwento ng pinsan ni Christian na si Rowena, 10 taon pa lang si Christian ng malamang may sakit sa bato. Nakaramdam siya ng pananakit sa tagiliran, hirap sa pag-ihi at paghinga. Dinala sa ospital ang bata at nalamang lumiliit ang kanyang bato. “Pinanganak na maliit ang kidneys niya sabi ng doktor…†ani Rowena. Pinayuhan na sila na isalalim si Christian sa Kidney Transplant subalit nagkakahalaga ito ng Php150,000 kaya sa kasalukuyan pagda-dialysis, peritoneal ang gamutang ginagawa sa kanyang pinsan. Anim na beses sa isang araw kailangang sumailalim sa peritoneal dialysis ang bata at may kamahalan ng presyo ng bawat ‘solution’. Nagkaroon na ng impeksyon sa puso si Christian dahil sa halip na anim na beses ginagawa lang nilang tatlong beses sa isang araw ang pagda-dialysis dahilan para lumaki ang puso nito. “Lumalapit po ako para ihingi ng tulong ang pinsan ko sa pagda-dialysis sana po matulungan niyo kami,†panawagan ni Rowena.
Hemodialysis naman ang inilalapit ni Alfredo Santiago ng Makati City. Oktubre 2013, ng ma-‘diagnose’ na may sakit sa bato ang misis ni Alfredo na si Gertrudes Santiago, 52 anyos. Nakaranas ng hirap sa paghinga si Gertrudes. Pinatingin siya sa doktor at nalamang nasira na ang dalawang kidneys nito. Taong 2008, pa umiinom ng maintenance medicine para sa sakit na diabetes si Gertrudes. Ito daw ang naging dahilan ng pagkasira ng kanyang bato. “Ang nangyari kasi, puro inom ng gamot lang siya. Kailangan pala buwan buwan magpa- check-up sa doktor,†ani Alfredo. Kasalukuyang sumasailalim sa Dialysis si Gertrudes dalawang beses sa isang linggo. Kahilingan ni Alfredo tuluyang ma-dialysis ang asawa. “Humingi po ako ng tulong medical para sa misis ko. Sana po matulungan niyo kami,†ani Alfredo.
Ilan lang sina Alfredo sa mga pasÂyenteng lumapit sa programa ng PCSO sa radio, ang “PUSONG PINOYâ€.
“Importante nandyan kayo sa tabi nila, sa kanilang paggaling. Kaagapay niyo kami sa PCSO para sa inyong medical needs,†ani Atty. Joy. Mapapakinggan ang kabuuang istorya nila Alfredo at ng ilang pang pasyenteng lumalapit sa programang “PUSONG PINOY†tuwing Sabado mula 7:00-8:00 AM dito lang sa DWIZ 882 KHZ, AM BAND. “Lumapit lang kayo sa PUSONG PINOY para mabigyan namin kayo ni Monique ng personal na referral sa PCSO... para maasistehan kayo sa inyong medikal na pangagailangan,†huling pananalita ni Atty. Joy.
SA GUSTONG LUMAPIT SA PROGRAMANG PUSONG PINOY para sa pangangailangang medikal, tumawag sa mga numero o pumunta sa address sa ibaba, Lunes-Biyernes 9:00AM. Magdala kayo ng ‘photocopy’ ng inyong ‘updated medical abstract’. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. LandÂline 6387285 / 7104038.
- Latest