MALAKING katanu-ngan ngayon kung bakit sa kabila na napaka-istrikto ng ilang ahensiya ng gobyerno ay madalas pa ring sablay sa kanilang performance.
Isang halimbawa rito ay ang Bureau of Internal ReveÂnue (BIR) na masasabing isÂtrikto at napakahigpit sa pag-hahabol sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Mayroon pa nga itong shame campaign kung saan ay inilalathala ang mga uri ng negosyo at propesyon na ipinapaalam sa publiko na hindi lahat ay nagbabayad ng tamang buwis. Ilan sa mga natumbok sa shame campaign ng BIR ay ang mga doktor, abogado at ilang negosyo tulad ng nagbebenta ng lechon, bus company at iba pa.
Sangkaterba na ang mga negosyanteng sinampahan ng kaso ng BIR na hindi umano nagbayad ng tamang buwis kaya mara-ming negosyante at propesyunal ang takot ngayon at masasabing sumusunod na sa bayaring buwis na kanilang responsiblidad.
Pero sa kabila nito, bakit hindi naabot ng BIR ang kanilang revenue target na ipinagtataka ng lahat.
Ano kaya ang kulang sa performance ng BIR? Kung sisipatin si BIR Commissioner Kim Henares ay masasabing hands on naman ito at laging nakatutok sa kanyang tanggapan at aktibo sa paghahabol sa mga hindi nagbabayad ng buwis.
Si Henares ang maituturing na pinaka-aktibo sa lahat ng mga naging Commissioner ng BIR at naglunsad nang malaÂking kampanya laban sa mga hindi nagbabayad ng buwis.
Samantala, malaking katanungan din ang nangyayari sa Land Tranportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na kung kailan naging istrikto sa mga bus company at iba pang pampasaherong sasakyan ay saka dumami ang mga aksiÂdente sa kalsada.
Naglunsad ng kampanya ang LTFRB laban sa mga pasaÂway na bus company pero sa hindi malamang dahilan, nagsunud-sunod ang mga malalagim na aksidente.
Hindi rin matatawaran ang performance ni LTFRB chairman Winston Ginez dahil aktibo ito at masipag din sa pamumuno sa ahensiya. Agad umaaksiyon sa mga bus company na nasasangkot sa aksidente.
Kung ihahambing sa pagkain, parang may kulang pang sangkap upang lalo pang sumarap o magtagumpay ang BIR at LTFRB sa kanilang mga misyon.
Sana matuklasan ng LTFRB at BIR kung ano pa ba ang kulang dahil sapat na naman ang pagkilos ng mga pinuno pero maaring may kailangam pang ayusin para lubusang makamit ang tagumpay.
Natalakay ko ang usaping ito dahil kahapon ang deadline ng pagpa-file ng income tax returns (ITR) samantalang ang LTFRB ay tutok din sa mga biyahero ngayong Semana Santa.