^

Punto Mo

Sibakin si Vitangcol

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

HINDI  na dapat pang palalain ng Malacañang ang usapin hinggil sa pagkakadawit ni MRT general ma­nager Al Vitang­col sa umano’y pa­ngingikil ng $30 million sa isang Czech company na Inekon­ group na magsusuplay sana ng bagon ng MRT.

Kung ayaw magbitiw ni Vitangcol sa kanyang posisyon ay sibakin na lamang ito ni President Noynoy Aquino upang huwag madamay ang admi­nistrasyon.

Kapag inalis si Vitanggcol, maipaparamdam sa publiko ma­ging sa international community na kapag nasangkot sa katiwa­lian ang isang opisyal ng gobyerno ay agad inaalis sa puwesto.

Mahirap balewalain ang usaping ito dahil ang nag-aakusa ay si Czech ambassador to the Philippines Josef Rychtar na nag­sabing dawit si Vitangcol sa umano’y pangingikil ng $30 milyon subalit nang hindi ito pinatos ay natalo sa bidding ng mga bagon.

Iginiit naman ni Vitangcol na natalo sa bidding ang Czech company na Inekon ay dahil mataas daw ang presyo nito na aabot sa $3.3 million kumpara sa nanalong bidder na  CNR Dalian Locomotive & Rolling stock  na isang Chinese company na aabot lang daw sa $1.8 million ang presyo ng bagon.

Mabuti naman at iimbestigahan na rin daw ng Senado ang umano’y extortion na kinasasangkutan ni Vitangcol upang magkaroon na ng paglilinaw at malinis ang pangalan kung hindi naman totoo ang alegasyon.

Sa imbestigasyon ng Senado ay pagtuunan din sana ng pansin ang nanalong bidder na Chinese company at bagama’t mababa ang presyo ng bago ay maganda ba naman ang kalidad nito at garantisadong hindi dehado ang Pilipinas.

Kailangang tiyak ang magandang kalidad ng mga bagon dahil araw araw ang operasyon nito sa dami ng commuters na tumatangkilik dito sa Metro Manila.

Hindi sa minamaliit ko ang kalidad mula sa China pero ang iniisip kasi ng mayoryang Pilipino, mahina ang kalidad ng mga produkto ng ilang Chinese company kumpara sa iba pang bansa.

Dapat lang na de-kalidad dahil ang seguridad ng mga mana­nakay ang nakasalalay dito lalo na ang masa na lubos na umaasa sa serbisyong ibinibigay ng gobyerno.

Abangan kung may kahahantungan naman ang imbestigasyong ito ng Senado o baka maging lugar lang ito ng ilang pulitiko na may ambisyon sa 2016 elections at sila-sila ay magpasikatan dito habang wala namang nagawang batas ukol dito tulad ng mga naunang imbestigasyon.

AL VITANG

DALIAN LOCOMOTIVE

INEKON

METRO MANILA

PHILIPPINES JOSEF RYCHTAR

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SENADO

SHY

VITANGCOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with