NOONG 1347 ay sinakop ng English army ang isang lungsod sa France, ang coastal city of Calais. Pinutol ng English army ang lahat ng komunikasyon ng lungsod na iyon sa kanilang kalapit-bayan. Ilang buwan na hindi makalabas ng kani-kanilang bahay ang mga tao kaya marami ang mga nagutom at namatay. Isang araw nagkaroon ng announcement ang hari ng England:
“Sa loob ng tatlong araw ay sasalakay ang buong sandatahan ng England sa Calais at susunugin ang buong lungsod kasama ang lahat ng mga taong naninirahan doon. Sisiguraduhin ng mga sundalo na walang ititira kahit isang buhay. Ngunit may kondisyon ang hari. Hindi itutuloy ang pagsalakay, pagsunog at pagpatay ng mga mamamayan kung ang anim na matataas na opisyal ng Calais ay papayag na ialay ang kanilang buhay. Silang anim ang pupugutan ng ulo kapalit ang buhay at kalayaan ng mga mamamayan ng Calais. Kailangang magdesisyon na ang anim na opisyal sa lalong madaling panahon.â€
Maraming mamamayan ang natakot. Naniniwala sila na pagkatapos ng announcement ay kanya-kanya nang karipasan ng takbo ang mga opisyal upang iligtas ang kanilang sarili. Anong gulat ng mga tao nang kinabukasan ay humarap ang anim na opisyal sa pinuno ng army at buong tapang na sinabing handa silang mamatay kaya iharap na sila sa hari sa oras ding iyon.
Nang puputulin na ang ulo ng anim na opisyal ay lumuhod sa harap ng hari ang asawa nitong reyna at buong pagmamaÂkaÂawa na huwag nang patayin ang mga opisyal. Kahanga-hanga raw ang mga pinunong ito na handang mamatay para lang sa kanilang nasasakupan.
“Hindi ka ba nanghihinayang, mahal na hari na patayin ang mga dakilang tao kagaya nila?†umiiyak na sabi ng reyna.
Bigla, nagbago ang isip ng hari. Hindi na niya ipinapatay ang anim na opisyal at ibinigay na ang kalayaan ng buong lungsod. Sa totoo lang, lihim na humanga ang hari sa anim na opisyal kaya nagbago ang isip niya at hindi sa pakiusap ng reyna. Ipinamulat sa hari ng anim na opisyal ang ibig sabihin ng tunay na “public servantsâ€.