^

Punto Mo

Lola sa Australia, pinagsusuntok ang pating na sumila sa kanya, nakaligtas!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SI Paddy Trumbull, 60, ng Queensland, Australia ay mahilig mag-swimming sa isang beach doon.

Isang araw, habang nasa ilalim ng dagat, naramdaman na lamang niya na tila may sumusunod sa kanya. Nang lingunin, isang ma­laking pating­ ang nakita niya at  aatakehin siya.

At bago pa siya nakakilos para lumayo, nasakmal na ang kanyang hita at puwit ng limang talampakang pating.

Pero malakas ang loob ni Paddy. Hindi siya nasiraan ng loob. Sa kabila na may sugat sa hita, puwit at likod, tinadyakan niya ang pating at nang mapalapit pa siya rito ay pinagsusuntok pa niya.

Ubos lakas ang ginawa niyang pagsuntok. Walang patid­. Kung gaano kabangis ang pating­, tinapatan din niya ito ng kabangisan. Patay kung patay! Ayon kay Paddy, hindi niya raw matatanggap na sa pating lamang matatapos ang kanyang buhay.

Marahil hindi na kinaya ng pating ang tuluy-tuloy na pagsuntok ni Paddy kaya lumayo ito mula sa sugatang matanda.

Nasaklolohan siya ng mga kasamahan. Inilipad siya ng isang helicopter papunta sa isang hospital kung saan siya ginamot.

Nagulat ang mga doktor na nakaligtas si Paddy sa atake ng pating. Malalim umano ang mga sugat nito at nawalan ng halos 50 porsiyentong dugo sa katawan. Sa kabila niyon, naging maayos pa rin ang kalagayan ni Paddy. Sa katunayan, nagbibiro pa siya na mabuti raw at nabawasan ang laki ng kanyang balakang matapos matapyasan dahil sa kagat ng pating.

 

vuukle comment

AYON

INILIPAD

ISANG

MALALIM

MARAHIL

NAGULAT

NANG

PATING

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with