ISANG anim na taong gulang na bata sa China ang muntik nang mahulog mula sa ikawalong paÂlapag ng tinitirhang apartment matapos siyang lumusot sa mga rehas na nagsisilbing harang sa mga bintana. Mabuti na lamang at sumaÂbit ang kanyang tenga sa bakal na pumigil sa kanyang pagbulusok pababa.
Ang bata na nag-ngangalang Ming Ming, ay nakatira sa apartment kasama ng kanyang lolo. Nang araw nang mangyari ang insidente, iniwan siya nito kaya nagising mag-isa si Ming Ming. Dahil nagtataka kung bakit siya mag-isa sa kanilang apartment, pumunta si Ming Ming sa bintana upang tumingin sa labas at hanapin kung saan nagpunta ang kanyang lolo.
Sumampa si Ming Ming sa pasamano. Nang di-sinasadya ay nahulog siya at lumusot sa mga rehas dahil manipis ang kanyang katawan. Tuloy-tuloy sana ang pagbagsak niya kung hindi dahil sa kanyang malalapad na mga taynga na sumabit sa mga rehas.
Nakita siya ng mga tao sa ibaba na humingi ng saklolo sa mga bumbero. Kaagad namang dumating ang mga bumbero na gumamit ng pangÂwasak ng rehas upang maalis si Ming Ming sa pagkaipit sa mga bakal.
Ayon sa mga bumbero, maÂsuwerte si Ming Ming hinÂdi lamang dahil nagawang sumaÂbit ng mga taynga niya sa rehas kundi dahil hindi siya na-suffocate sa pagkakasabit. Maaari kasing mapuwersa ang leeg ng isang tao kung malagay sa posisyong katulad ng kinalagyan ni Ming Ming.