‘Lagaring-Hapon’
MGA putok sa buhong malalaki at gahamang traders ang dahilan kung bakit namamayagpag ang smuggling.
Nitong Huwebes, kinumpirma ni Agriculture Sec. Proceso Alcala na hindi matigil-tigil ang smuggling activity sa bansa partikular sa bigas, dahil mataas ang cost of production sa pagtatanim.
Tama. Totoo. Ang tanong. Sino ang nasa likod nito?
Unti-unti nang “nawawala†ang mga magsasaka o ‘yung mga talagang lehitimong “farmers.â€
Sila ‘yung mga nagsasaka sa pamamagitan ng makalumang pamamaraan na nagbubungkal ng sariling lupa, nagtatanim at nagbibilad sa araw.
Ang siste, naging trabahante o tauhan nalang sila ngayon ng mga malalaking trader.
Pinapautang at pino-pondohan nalang ng mga dupang na negosyante para magtanim. Pero ang yumayaman, ‘yung trader.
‘Yung lehitimong farmer, lalong naghihirap, nababaon sa utang. Kaya ang kanilang mga anak gusto nalang mangibang-bansa at mag-OFW.
Ito ang sinasamantala ng mga putok sa buho. Nabubuhay sila sa kahirapan at kalbaryo ng ilan. Ang kasalanan lang ng mga farmer, salat sila sa buhay. Kaya sila ngayon ang napagsasamantalahan.
Itong mga trader na mga kartel din na may hawak sa mga pobreng magsasaka, sinasadya talaga nilang kontrolin at manipulahin ang gastos ng produksyon para nang sa gayun, maitulak nila ang importasyon.
Alam kasi nila na mas kikita at magkakapera sila ng malaki sa pagpapapuslit ng bigas.
Sila na ang pinagta-trabaho ang mga farmer, sila pa ang kumikita ng limpak-limpak. Lagaring-hapon kung tawagin.
Kaya kayong mga maliliit at lehitimong magsasaka, lumabas kayo at ituro ang mga ‘doble-karang’ “farmer†na utak ng smuggling.
• • • • • •
Ugaliing makinig at manood sa BITAG Live araw-araw sa Radyo5 92.3 News FM at Aksyon TV.
- Latest