^

Punto Mo

Uok (102)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HINDI makapagsalita si Mahinhin nang iabot ko ang wallet. Sabi ko, nahulog sa kanya at dinampot ko. Hindi ko naman maibigay sa kanya dahil natutulog siya. Ayaw ko siyang istorbohin. Nagpasalamat sa akin. Sabi pa, mabuti raw at ako ang nakatabi niya, kung iba raw baka ninakaw na ang wallet. Sabi ko ay walang anuman. Talaga raw kinabahan siya nang hindi makita ang wallet. Kasi’y marami raw laman iyon, bagong padala raw kasi ng asawang nasa Saudi. Kung nawala raw ay wala siyang pamasahe. Nagbiro naman ako na ililibre ko siya kung wala siyang pera…’’

“Nagpakilala ka na po sa kanya?” tanong ni Drew na aliw na aliw sa kuwento ni Basil.

“Oo. Sinabi ko ang aking pangalan. Sinabi ko rin na magbabakasyon ako sa Socorro. At nagulat siya dahil taga-Socorro rin pala siya. Sinabi ko ang bara-ngay na pupuntahan ko at lalong namangha dahil tagaroon din siya sa barangay na iyon. Sabi niya malapit ang kanilang bahay sa barangay high school. Sabi ko naman, mala-pit ang bahay ng pinsan ko sa Ilog Pola…’’

“Nagpakilala po siya. Sinabi na po ang pangalan?”

“Oo. Mahinhin daw ang pangalan niya. Forty years old na raw siya. Walang anak. At matagal na raw nasa Saudi ang mister niya. Galing daw siya sa Maynila dahil inasikaso ang hulog sa SSS ng asawa niya.’’

“Bakit daw po walang anak?”

Nagtawa si Basil.

“Siyempre hindi ko na itinanong. Baka masa­main. Pero palagay ko, kaya walang anak ay dahil nga laging nasa abroad ang asawa.’’

“Nang bumaba kayo sa bus, sabay din kayo sa pagtungo sa barangay ninyo?”

“Oo. Nagtraysikel kami. Alam mo habang nakasakay kami sa traysikel at magka­tabi, napapakiskis ang hita ko sa hita niya at para akong nakuryente. Nang tingnan ko siya, nakatingin din pala sa akin…’’ (Itutuloy)

 

ILOG POLA

MAHINHIN

NAGPAKILALA

NANG

OO

RAW

SABI

SINABI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with