MARAMI ang umalma sa bagong polisiya ng Bureau of Immigration (BI) hinggil sa paghingi ng financial proof of capacity, at iba pang dokumento bago payagang makapag-travel ang isang Pilipino. Ang layon umano ng BI, at ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ay supilin ang lumalaking bilang ng mga OFW na hindi dokumentado ang employment dahil sila ang kadalasang biktima ng human trafficking. Karaniwang ginagawa raw ng mga OFW ay magpanggap na turista ngunit wala na palang balak bumalik ng bansa. Ang Dubai, Singapore, Malaysia, Bangkok at Hong Kong ang nagsisilbing point of entry nila bago tumungo sa mga bansa kung saan sila magtatrabaho.
Bagamat maganda ang layunin ng BI, marami rin ang nagalit dahil ang “guidelines†ay lumalabag sa freedom and right to travel. Mabuti ang hangarin ng BI ngunit nagkamali lamang siguro ng interpretasyon. Anang BI hindi raw nila susuriin ang bawat Pilipinong lalabas ng bansa. May tinatawag silang secondary inspection bago ma-offload ang pasahero. Kapag daw kahina-hinala ang itinerary o sa tila hindi karaniwang destinasyon ang tungo, doon sila manghihingi ng karagdagang dokumento, tulad ng pruweba ng kapasidad na pinansiyal na bayaran ang pagbakasyon, proof of work or employment upang ipakitang may trabahong babalikan dito at hindi sa bansang pupuntahan maghahanap, o kaya naman ay papeles na nagsasaad ng suporta mula sa kapamilya o kamag-anak na makapangibang bansa.
Hindi matatawaran ang bilang ng mga netizens na umalma! Bakit daw pinahihirapan ng pamahalaan ang paglabas nila sa bansa? Bakit daw tila inaakusahan kaagad silang may ibang hangarin sa paglabas ng Pinas?
Sagot naman ng BI, sila ay manghihingi lamang ng karagdagang dokumento kung sakaling tila may ibang pakay ang pasahero bukod sa isinasaad na kaniyang itinerary. Naiintindihan ko ang BI at sa totoo lang, I appreciate their effort to combat human trafficking. Ngunit sa kabilang banda ay maaaring maging tedious nga ang paglabas ng bansa kung para lamang magpahinga at magbakasyon.
Dahil kahit pa sabihin nilang hindi naman lahat ay hihingan, dapat ay maghanda ng mga dokumento sakaling hingian tayo.
Dapat namang maging malinaw ang BI kung papaano nila sasalain ang mga kahina-hinala upang hindi maantala ang mga kababayang mangiÂngibang bansa.Â