^

Punto Mo

‘Per project criminal’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

PANAHON na ng summer, mas maraming tao ang nasa labas. 

 Kalat ang mga dorobo, kawatan, manggagantso at kri­minal. Abala sa iba’t ibang uri ng modus sa lansangan o ’yung tinatawag na street crimes.

Sa ganito ring mga panahon, maraming mga nag-aaplay at naghahanap ng trabaho.

Mag-ingat sa pagtanggap ng mga empleyado lalo na sa mga kumpanya na payroll type pa rin ang pagpapa-sweldo. Mga tipikal na nagwi-withdraw ng malaking pera sa bangko.

Mahirap at matagal bago malaman na baka isa sa mga tao ninyo, naka-planta pala para maisagawa ang payroll robbery.

Pinag-aaralan, ibinabato sa grupo ang bawat kilos ng kumpanya. Itinitimbre kung kailan maglalabas ng pera, kung anong oras at sinong kasama papunta sa espisipikong bangko.

Taong 2009, naidokumento ito ng BITAG. Naging laman ito ng aking programa sa telebisyon.

Ito ang taon kung saan panimulang naglabasan ang grupo ng mga payroll robbery, midnight heist at midday heist.

Anim na buwan silang pinag-aralan at tiniktikan ng National Bureau of Investigation at BITAG sa kanilang mga panloloob ng madaling-araw gamit ang uniporme ng pulis. 

Bumulilyaso ang kanilang operasyon matapos lumapit sa BITAG ang isa sa kanilang miyembro­ na gusto ng kumalas sa grupo.

Subalit, ang kondisyon, hindi siya maaaring umalis hangga’t wala muna siyang naibibigay na malaking proyekto.

Mayroong tropa ang mga putok sa buho. Sila-sila mismo, magkakakilala. Sa kanila nauso ang salitang “Per project” at “One, two.”

“Per project” para sa malakihang trabaho na kinabibilangan ng mga 20 katao at â€œOne, two” para naman sa mga maliliit at tipikal na riding-in-tandem operations tulad ng holdap.

ABALA

BUMULILYASO

ITINITIMBRE

KALAT

MAHIRAP

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with