^

Punto Mo

Capa, napolitika?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matapos na pumutok ang istoryang pagkadakip kay Delfin Lee,  unang pinuntiryang tawagan at kontakin ng media ay ang Commander ng Task Force Tugis na si Senior Supt. Conrad Capa.

Ito ay dahil sa ang kanyang unit ang siyang nakatunton kay Lee sa isang hotel sa Maynila.

Ilang linggong surveillance,  ayon kay Capa ang kanilang ginawa bago nila nadakip ang sinasabing presidente ng Globe Asiatique na si  Lee na sinasabing sangkot  sa  P6.6 bilyong housing scam.

Si Lee ay kabilang sa inilabas na top 5 most wanted ng PNP ay umano’y may patong pa sa ulo na dalawang milyong piso.

Hindi pala dyan matatapos ang istorya.

Eto ngayon, ilang araw matapos ang matagumpay na pag-aresto kay Lee,  sinibak ang hepe ng TF Tugis na si Capa sa hindi malinaw-linaw na kadahilanan.

Napolitika, ito ang umuugong.

Inanunsyo na promosyon umano ang pagkaalis ni Capa sa task force at itinalaga bilang  bagong pinuno ng Deputy Directorate for Operations sa  PRO 7 sa Cebu o bilang number 3 man sa Command Group. 

Pero kinontra ito ni Capa ,  na hindi  naiwasang maglabas ng sama ng loob.

Nasaktan umano siya at maling  sabihin na promosyon ang paglilipat at biglaang pagsipa sa kaniya sa puwesto.

Kung nais umano ng liderato ni Purisima na ma-promote siya ay may bakante sa PNP Headquarters sa Camp Crame  at hindi kailangan na dalhin pa siya sa Cebu kung saan ay matagal pa ang kanyang hihintayin na ma­aring umabot ng anim na buwan para umangat sa puwesto.

Mukhang hindi lang si Capa ang nadismaya, tila dismayado  rin ang ilan sa kanyang mga nasasakupan.

Pero ano nga kaya ang tunay na dahilan sa biglaang pagsibak kay Capa. Ayon sa ilang insider  si Capa ay nasipa sa puwesto dahilan ito umano ang pinaghi­hinalaan na siyang nagtimbre kay Vice President Jejomar Binay­ sa nag-leak na pagtawag ni Oriental­ Mindoro Governor Alfonso Umali sa PNP upang arborin si Delfin Lee.

CAMP CRAME

CAPA

CEBU

COMMAND GROUP

CONRAD CAPA

DELFIN LEE

DEPUTY DIRECTORATE

GLOBE ASIATIQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with