ISANG pangkaraniwan at tahimik na bayan ang Tulsa sa Oklahoma, ngunit noong Setyembre ng nakaraang taon, nagmistula itong pinangyarihan ng isang horror na pelikula. BigÂla na lang naglipana ang sangkatutak na mga kuliglig na mabilis na kumaÂlat at tuluyang sumakop sa buong Tulsa.
Ayon sa mga residente ng Tulsa, nagkalat ang mga kuliglig hindi lamang sa mga kalsada at mga pampublikong lugar kundi pati na rin sa mga kasuluk-sulukan ng kanilang mga pamamahay.
Bukod sa pagkarindi dahil sa huni ng libu-libong buhay na kuliglig sa paligid nila, naperhuwisyo rin ang mga residente ng Tulsa dahil sa masamang amoy ng mga patay na kuliglig. Inihalintulad ng isang residente ang amoy ng mga patay na kuliglig sa nabubulok na karne. Diring-diri na ang mga nakatira sa Tulsa sa mga salot na umokupa ng kanilang bayan.
Ayon sa mga eksperto, pangkaraniwan lang na naglalabasan ang mga kuliglig sa Setyembre dahil ito talaga ang buwan na napipisa ang kanilang mga itlog. Ang kakaibang dami naman ng mga kuliglig na sumalakay sa Tulsa ay maaring dahil sa matinding init at tag-tuyot na naranasan ng nasabing bayan. Gustong-gusto ng mga kuliglig ang maalinsangan na panahon kaya maaring nakaapekto ito sa pagdami ng mga kuliglig na nangitlog at sa pagdami ng mga itlog na napisa.
Tuwang-tuwa naman ang mga exterminator sa Tulsa dahil lumakas ang kanilang negosyo sa dami ng mga customer na gustong magpaserbisyo sa kanilang mga bahay na pineste ng mga kuliglig.