ALAM n’yo bang mahigit sa 50 percent ng mga kabataan ngayon may edad 16 hanggang 25, ay nakipagtalik na bago pa makipag-isang dibdib? Napakataas ng rate ng premarital sex ngayon saan man sa mundo. Pangunahing rason ng teenagers at adolescents kaya nakikipagtalik bago pa makipag-isang dibdib ay dahil: Nakakahiya kung sa edad 18 pataas ay wala pang experience at dahil lahat naman ay ginagawa, bakit hindi rin gawin?
Sa US, noong 2003, tinatayang nasa 95 percent na ang nakapag-premarital sex at 12 percent lamang nito ang nauwi sa kasalan.
Bakit ba nakikipag-sex sa murang edad bago pa man mag-asawa?
Maling konsepto ng pagmamahal - na sa pamamagitan ng pagsang-ayon na makipagsex mapapatunayan ang tunay na pagmamahal sa kasintahan.
Dahil masaya, masarap at marami namang available na contraceptives - pills, condoms, method tulad ng withdrawal etc. “Hindi naman ako mabubuntis/Hindi naman ako makakabuntisâ€
Kulang ang edukasyon at pagtalakay ng mga magulang at paaralan sa sexual intercourse sa mga subjects tulad ng Health, Science at Religion.
Dahil pagtatawanan ka o kukutiyain kung sa inyong barkada ay ikaw na lang ang hindi nabibinyagan , hindi ka in - peer pressure.
Hindi mo alam kung para saan talaga ang sex. Ang layon nito ay procreation, ayon sa Bibliya. Sa paggawa at pagpaparami ng lahi.
Ngunit sa halip ng panandaliang saya mo sa kama, gigisingin kita ng mga rason kung bakit hindi ka dapat nakikipagtalik sa hindi mo asawa.
Mali ito. Sumusuway ka sa kagustuhan at bilin ng iyong mga magulang, higit sa lahat sa Utos ng Diyos.
Hindi mo alam kung may dalang sakit ang iyong kapareha -- ke kasintahan mo ito o random stranger. Baka magkasakit ka pa.
Kung may mabuo sa pagtatalik, pananagutan ka ba? Kaya mo bang buhayin? Ang panandalian mong saya ay maaaring magdala ng mabigat na problema.
Bigyan mo naman ng kahihiyan ang magulang mo. Pinag-aaral ka nila hindi upang mag-eksperimento at lumagay sa alanganin.