KAGILA-GILALAS ang ipinamalas ni Im Dong Hyun, 26, isang atleta mula sa South Korea na lumahok sa archery sa 2012 London Olympics. Nakakuha siya ng gold medal at nakapagtala ng bagong world record. Siya ay isang bulag!
Si Im Dong ay maituturing na legally blind dahil sobrang labo (20/200) ng kanyang kanang mata. Halos bulag na ang kanyang kanang mata. Ngunit ang kapansanan ay hindi nakapigil sa kanya upang makakuha ng gintong medalya sa 2004 Athens at 2008 Beijing Olympics. Sa 2012 London Olympics nakakuha siya ng score na 699 mula sa posibleng 720 – pinakamataas na score na nakamit ng isang manlalaro sa kasaysayan ng archery.
Nagagawang magtaÂgumpay ni Im Dong Hyun sa archery sa pamamagitan ng pagkakaroon ng muscle memory o ang pagiging sanay ng kanyang mga kalamnan na matandaan ang tamang pagsipat at paghawak sa pana. Dahil sanay na ang kanyang mga bisig kung paano itutok ang pana, hindi na nya kailangang makita nang malinaw ang target. Nakatulong din ang matinding ensayo ng South Korea sa kanilang mga manlalarong lalahok sa Olympics.