‘Butas’

HINDI na bago sa mga kaanak at kapamilyang dumadalaw sa mga preso ang body cavity search.

Sa mga malalaking kulungan tulad ng National Bilibid Prison, maging sa mga provincial at city jail, istrikto itong ipinatutupad.

Mahigpit ang prosesong pinagdadaanan ng mga “dalaw”.

Lahat, obligadong dumaan sa body cavity search. Ultimo mga dala-dalang gamit, binubusi ring mabuti ng mga nakatalagang jail guard.

Layunin ng Bureau of Jail Management and Penology na nangangasiwa sa mga bilangguan na walang anumang ilegal na kontrabandong maipupuslit sa loob ng kulungan.

Subalit, sa Pasay City Jail, kakaiba ang paraan ng inspeksyon sa mga dalaw.

Bawat asawa at kaanak ng mga presong nakulong dahil sa droga, pinabubukaka sa “butas” kung saan may nakatutok na kamera.

Sadya talagang inilawan ang “butas” para masilip ang kanilang puwerta kung may nakatagong sigarilyo o ilegal na droga.

Hindi pabor ang mga babaing asawa ng preso sa sistemang ito.

Pero para sa kapakanan ng mister na nakakulong, hinahayaan na lang nila ang ganitong pambababoy at kahihiyang sinasapit nila.

Sa mandato ng BJMP, sagradong ipinag-uutos ang pagrespeto sa dignidad at karapatan ng isang indibidwal.

Ayon sa warden ng Pasay City Jail, dalawang buwan palang ang eksperimento niyang ito. Aminado rin siya na hindi niya pa ito naititimbre sa pamunuan ng BJMP.

Abangan ang advance screening ng ‘Butas’ mamayang 8:00 ng gabi. Log on bitagthe­original.com­.

Show comments