Uok (67)
“NILAGAY ko sa sulat na dito pa sa bahay nagtatagpo si Baby at kanyang lalaki. Sinabi ko kay Daddy na mismong sa kuwarto pa nila nagtatalik ang dalawa. Talagang inilagay ko lahat nang detalye, pati oras at araw na nakita ko sila. Mahaba ang ginawa kong sulat. Lahat nang sama ng loob ay inilagay ko. Pati na rin ang pag-aasawa niya kahit wala pang isang taon mula nang mamatay si mommy. Nilagay ko rin na tinatakot ako ni Baby kaya hindi ako makapagsumbong. Mayroon daw mangyayari sa akin.’’
“Anong sagot ng daddy mo?â€
“Hindi niya ako sinagot. Pero makalipas ang isang linggo, bigla siyang duma-ting. Kinausap ako nang masinsinan ukol sa mga sinulat ko. Hindi alam ni Baby ang pag-uusap namin ni Daddy. Pinuntahan ako sa school ni Daddy. Habang nag-uusap kami sa isang restaurant na malapit sa school ay umiyak ako. Talagang binuhos ko ang mga sama ng loob.’’
“Anong nangyari?â€
“Sabi ni Daddy, totoo raw ba ang mga sinumbong ko. Baka raw nagkakamali lamang ako. Sabi ko, nakita ng dalawang mga mata ko. Nakita ko sila habang nagtatalik. Si Baby pa nga ang nasa ibabaw. Pero tila duda si Daddy sa mga sinumbong ko. Parang ayaw maniwala. Para bang kinakampihan pa ang asawa niya. At ang sabi pa, kilala raw niya si Baby. Hindi raw niya maubos-maisip na pagtataksilan siya…’’
“Bakit kaya ayaw maniwala?â€
“Palagay ko, natunugan ni Baby ang pagsulat ko at sumulat din kay Daddy. Siyempre, na-brainwash na kaya akong anak na nagsasabi ng totoo ang pinagdudahan. Meron pala talagang lalaki na sa sobrang kahalingan sa babae ay pati anak pagdududahan at hindi pinakikinggan.’’
“Anong ginawa mo?â€
“Nagrebelde na ako. Tumigas na ang loob ko. Gusto ko nang lumaban. Lumayas ako. Noon ay bisperas ng pag-alis ni Daddy sa Saudi. Sa isang kaibigan ko ako tumuloy…’’
(Itutuloy)
- Latest