Nagbago
Habang tumatanda ang ating daigdig
Tumatanda na rin ang buong paligid
Mga pook noo’y katulad ng langit
Sa tuwing mamasdan ng ating pangmasid!
Samantala ngayon saan man tumingin
Nakikita natin ay waring madilim
Kuryente at tubig parang iba na rin
Malabo ang ilaw, tubig ay maasim!
Pati kabihasnan ngayon ay kaiba
Dahil sa ang tao’y palaging masaya;
Mga mag-aaral banal ang adhika
Na sila’y matuto at maging dakila!
Subali’t sa ngayon pati kalikasan
Kahit tag-araw na laging umuulan
Ang ilog at kanal na dati’y languyan
Ay wala nang ganda pagka’t basurahan!
- Latest