^

Punto Mo

Pera

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SA sobrang kahirapan ng buhay, sumigaw ang mahirap na lalaki habang nakatingala sa kalangitan: Diyos ko, bigyan mo ako ng maraming pera!

Tila narinig ng Diyos ang kanyang kahilingan dahil sa isang iglap ay may mahiwagang lalaki na kumatok sa pintuan ng kanyang kubo at nagwika ng ganito: “Sobra na ang aking kayamanan kaya’t naisip kong i-share ito sa mga walang pera na kagaya mo. Kumuha ka ng kahit anong lalagyan at pupunuin ko iyon ng pera. Ngunit kapag nahulog sa sahig ang kahit isang pirasong barya, ang lahat ng ibinigay kong pera ay magiging abo”.

Kumuha ng timba ang mahirap na lalaki at iyon ang sinalinan ng pera ng mayamang lalaki. “Hihinto lang ako sa pagsasalin ng pera kapag sumigaw ka ng HINTO”.        

Tuluy-tuloy ang pagsasalin ng pera. Nakita ng mayamang lalaki na napupuno na ang timba ng barya kaya nagtanong siya: “Ano, itutuloy ko pa?”  

“Sige, tuloy-tuloy lang ang pagsasalin mo ng pera. Kaila-ngang samantalahin ko ang pagkakataon…”.

Hindi namalayan ng mahirap na lalaki na sumosobra na ang barya kaya’t nahulog ang ilang pirasong barya sa sahig. Sa isang iglap ay naging abo ang lahat ng pera sa timba.

Money never made a man happy yet, nor will it. The more a man has, the more he wants. Instead of filling a vacuum, it makes one.—Benjamin Franklin

ANO

BENJAMIN FRANKLIN

DIYOS

HIHINTO

KAILA

KUMUHA

LALAKI

PERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with