Nabasa ng aking kapatid ang artikulo ko noong Lunes (Tipo kong lalaki) at naisipan naman niyang ibahagi ang dream girl niya.
1. Kapareho mo ng paniniwala. Kapareho ng pag-iisip, values at hindi nagkakalayo ang pananaw sa buhay.
2. Ginagawa kang mas mabuting lalaki. In other words, she makes you a better man. Kung araw-araw ay halos nag-aaway kayo at tila walang growth o hindi kayo nagsusuportahan sa inyong mga ginagawa, naku tagilid ka na sa kasintahan mo. Pero kung sinasabi ng iyong mga kaibigan at pamilya na tila may kakaiba sa iyo (maganda), maaaring she is bringing out the best in you.
3. Mapagkakatiwalaan. Kahit pa maganda at mabait ang iyong girlfriend, dapat alam mong mananatiling tapat sa iyo. Hindi ka dapat ma-insecure.
4. May ambisyon sa buhay. Ayaw mo naman sigurong mag-asawa ng babaing ang gusto lang sa buhay ay tumambay sa bahay, hindi ba? Bagamat gusto mong siya ang magpapatakbo ng inyong tahanan, nais mo pa ring siya ay may pagkaabalahan. Nais mong makasama panghabambuhay ang isang babaing may pangarap, may mga nais matamo, nais magtagumpay sa isang larangan.
5. Hindi makasarili. May malasakit siya sa kanyang mga kapamilya, kaibigan, mahihirap, mga nasalanta at walang-wala sa buhay. Nais mo namang magkaroon ng kasintahang may habag o awa sa puso.
6. Kaakit-akit. Gusto mo naman ‘yung gigising ka sa umaga at maganda sa paningin ang una mong masisilayan. At hindi lang ito, iba rin ang nagagawa ng kumpiyansa, at ng magandang ugali. Minsan nakakaganda ng panlabas na kaanyuan ang magandang kalooban. Ang gusto mong makatuluyan ay beautiful inside and out.
7. Matalino. Gusto mo naman young may sense kausap. Yung marami kayong mapag-uusapan. Dapat ay nahihingahan mo siya ng iyong mga problema at nakakapagbigay siya ng mabubuting payo sa iyo, mga bagay na mapapaisip ka dahil may punto siya.
8. Walang kondisyones ang kaniyang pagmamahal sa iyo. Gusto mo yaong mahal na mahal ka ano man ang mangyari, maging sino ka man. Dapat ay tanggap ka niya kung ano ka.
9. Responsable. Bagamat ang mga lalaki ang dapat na mas resÂponsable, gusto mo ng kabiyak na maaasahan din, lalo na sa mga pagkakataong maaaring hindi mo magampanan ang ilang mga bagay.
10. Kaya niyang makihalubilo sa iyong mga kaibigan at pamilya. Kahit pa sabihin nilang hindi naman ang magulang ng babae ang pakakasalan ng mga lalaki, napaka-halagang kaya mong dalhin ang iyong kasintahan sa pagtitipon ng inyong pamilya, mga kaibigan at hindi iintindihing baka siya ay naa-out of place.