SIKAT na body builder ang Austrian na si Andreas Münzer. Idolo ni Münzer ang kababayang si Arnold Schwarzenegger. Dahil kay Schwarzenegger kaya pinagsikapan ni Münzer na maging popular bodybuilder.
Subalit para maabot ang pangarap, gumamit ng iba’t ibang bodybuilding drugs si Münzer para manguna sa mga kompetisyon. Kabilang sa mga ginamit ni Münzer ay anabolic steroids, diuretics, growth hormone, insulin at potassium. Ito sa palagay niya ang tamang gawin para tanghaling sikat na body builder.
Hanggang sa singilin si Münzer sa mga ginawa niyang abusong paggamit sa steroid at iba pang gamot na pampalaki ng katawan.
Noong Marso 1996 habang nakikipagkompetisyon sa San Jose Invitational, dumaing ng pananakit ng tiyan si Münzer. Isinugod siya sa ospital. Nagdudugo umano ang bituka ni Münzer. Inoperahan siya. Subalit habang isinasagawa iyon, hindi na gumana ang kanyang atay at kidney. Hindi na siya masalinan ng dugo. Noong umaga ng Marso 14, 1996, namatay si Münzer sa edad na 31.
Sa autopsy, lumabas na ang dahilan ng kamatayan ay dystrophic multiple organ failure. Nangyari iyon dahil sa sobra-sobrang paggamit ng steroid at iba pang drugs.
Nalaman sa autopsy na nagkulang sa subcutaneous fat ang katawan ni Münzer. Ang kanyang atay ay itsurang Styrofoam at nakita rito ang isang table-tennis ball-sized tumor. Apektado rin ang kanyang testes. Ang kanyang puso ay tumi-timbang ng 636 grams. Ang normal na timbang ng puso ay 300 hanggang 350 grams. Ang kanyang potassium le-vels ay sobrang taas.
Nakita ang traces ng 20 iba’t ibang drugs sa kanyang dugo.
--www.oddee.com--