5 bagay na nakaka-‘bobo’

1. Meetings (Group project, group review)

Ayon sa researchers, kapag ilang tao ang nagsama-samang magtrabaho, ang tendency ay maging tamad ang utak sa pag-iisip ng may kinalaman sa group project. Kasi nagpopokus muna ang isipan kung paano siya makikibagay sa grupo o iisipin niya kung siya kaya ang pinaka-bobo o pinaka-magaling sa grupo. Naaabala ang isipan sa mga hindi importanteng bagay. Mainam na magsolo na lang.

2. Jet Lag: Nagdudulot ng permanent memory and learning problem.

Nagiging problema ito sa taong madalas mag-abroad  sa mga bansang malaki ang pagkakaiba ng oras sa bansang tinitirhan niya. Halimbawa, kapag pumunta tayo sa bansang ang oras ay kabaliktaran ng Pilipinas (kapag gabi dito, araw sa kanila), ang ating ‘body clock’ ay naguguluhan sa schedule ng pagtulog. Ang kalituhang ito ay may malaking epekto sa pagtatrabaho ng ating utak. Natuklasan ng mga researchers sa University of California, Berkeley, the more often you are jet-lagged, the more your brain suffers for it.

3. Kung madalas  paluin noong bata pa at pinababayaang mag-iyak nang matagal noong baby pa.

Ayon sa researchers ng New Hampshire, ang pagpalo sa bata ay nagdudulot sa kanila ng post-traumatic stress disorder – kahalintulad sa kondisyon na nakukuha ng mga war veterans matapos makita kung paano pinatay ang kanilang mga kasamahang sundalo. At ito ay iniuugnay sa pagkakaroon ng low I.Q.

Trauma rin ang dulot sa mga sanggol na pinababayaang umiyak nang matagal. Natuklasan sa pag-aaral na ginawa ng University of Pittsburg, ang pagpapabaya sa sanggol na umiyak nang matagal ay nagdudulot ng permanent brain damage. Akala lang ng ibang parents na okey pabayaan na umiyak ang sanggol upang maturuan siyang maging independent. Ngunit mali ang paniwalang iyon. Sa halip, negatibo ang nagiging resulta: Infants tend to shut down when faced with distress, stop growing emotionally, stop trusting, and eventually stop feeling. Sila ‘yung kapag lumaki na ay madalas nakatulala.

Sobrang hilig sa junk foods.

Nakatira sa siksikan, crime-infested at  polluted na lugar.

 

Show comments