^

Punto Mo

Uok (45)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANO ang sinisira ng uok, Drew?” tanong ni Gab. Malapit na sila sa terminal ng jeepney sa North EDSA.

“Yung ubod ng niyog. Kapag napasok ang ubod, wala na. Mamamatay na ang niyog.’’

“Peste nga!”

“Talagang peste ang uok.’’

“Anong itsura ng uok?”

“Puti na parang malaking uod. Maitim ang nguso.’’

“Kakadiri pala.”

Nasa harapan na sila ng jeepney. Walang pila ng oras na yun.

“Yan ang jeepney na sasakyan mo,” sabi ni Drew.

“Nagulat kasi ako nang magsalita ka ng uok kanina nang marinig mong magsalita ako ukol sa daddy ko. Akala ko, uok ang tawag mo sa daddy ko.’’

“Sorry Gab. Nasabi ko lang ang uok dahil yun ang nasa isip ko nang oras na iyon. Hindi ko rin alam kung bakit. Sorry ulit.’’

“Okey lang. Naging makulit ba ako?’’

“Hindi naman. Sige sakay na at baka ka maunahan sa upuan. Diyan ka sa hulihan maupo.’’

“Sige Drew. Salamat uli sa kuwintas. Nawala ang pinuproblema ko sa loob nang maraming buwan. Sabihin mo sa Daddy mo at kay Tiyo Iluminado na salamat sa pagkakita sa kuwintas ko.’’

“Makakarating, Gab.’’

Sumakay na si Gab sa dyipni.

“Babay Gab, ingat.’’

“Bye Drew.’’

Maya-maya umalis na ang jeepney. Umalis na rin si Drew. Umuwi na siya sa bahay.

Nang dumating siya sa bahay, nasa salas ang kanyang daddy at nanonood ng TV.

“Inihatid mo na si Gab?”

“Opo. Sa terminal lang.’’

“Ano yun, siyota mo?”

“Hindi Dad.’’

“Baka siyota mo na si Gab at binigyan mo ng kuwintas.”

“Hindi ko siya siyota.’’

“Wala naman akong tutol kung siyota mo. Ang ganda niya! Bagay kayo, Drew.”

(Itutuloy)

 

ANO

ANONG

BABAY GAB

BAGAY

DIYAN

GAB

HINDI DAD

SORRY GAB

TIYO ILUMINADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with