^

Punto Mo

Walang takutan at brasuhan

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAGPARAMDAM ang ilang senador sa Meralco na baka humantong sa pag-take over ng gobyerno kapag hindi naghinay-hinay sa pagtataas ng singil ng kuryente.

Sa idinaos na pagdinig sa Senado, sinabon ng mga senador ang pamunuan ng Meralco dahil sa napakataas na power rate hike na naitala sa kasaysayan. Ayon kay Sen. Antonio Trillanes, baka  ma-pressure daw ang mga pulitiko sa pag-alma ng taumbayan sa matinding taas sa singil sa kuryente.

Maaaring may punto si Trillanes sa pagbibigay ng babala sa Meralco pero tila masyadong magaspang at may angas dahil parang tinatakot at binabraso niya ang kompanya.

Mas makakabuting alamin na lang ng Senado kung may sapat na batayan at makatarungan ba ang power rate hike ng Meralco. Pinaka-mainam ay alamin kung nagkaroon ba talaga ng sabwatan sa power generators para magbenta ng mahal na kuryente na ipapasa naman ng mahal sa consumers.

Pangunahing tungkulin ng Senado ay gumawa ng mga batas na magsisilbing proteksiyon sa taumbayan at hindi para manakot.

Ako ay consumer din pero ayaw kong biglang ibaba ang singil sa kuryente dahil sa pananakot ng senador.  Sa halip, kailangang malaman lang kung ano mga basehan at kung walang nangyaring pag-abuso at mga sabwatan ng mga negosyante.

Kung nagkasala, puwedeng patawan ng parusa ang Meralco. Kung magmamatigas, may kapangyarihan ang gobyerno na i-take over kung kinakailangan.

Baka kasi maging mali ang interpretasyon sa mga negos-yante at dayuhang nais mag-invest sa Pilipinas. Baka isipin na maaari palang takutin ng mga mambabatas ang isang kompanya.

Ang pinaka-inaabangan ng taumbayan ay kung may mangyayaring maayos na resulta ang pagdinig sa Senado o baka naman na ito ay in aid of 2016 presidential elections lang. Paguwapuhan lang naman pala at sa dakong huli, ang publiko na naman ang kawawa.

 

ANTONIO TRILLANES

AYON

KUNG

MAAARING

MERALCO

PAGUWAPUHAN

PANGUNAHING

PILIPINAS

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with