^

Punto Mo

‘Walang pagkukunan’

- Tony Calvento - Pang-masa

MGA sakit na hindi inakalang dadapo sa kanilang mahal sa buhay…sa ‘di inaasahang panahon o pagkakataon.

Ganito nabigla ang ilan sa pamilya ng pasyenteng lumalapit sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ang programa sa radyo ng PCSO, ang “PUSONG PINOY” ay kaakibat ng ating mga kababayang may problemang medikal, mga may karamdamang walang kakayahang magpagamot.

Isa na sa kanila si Fliana Reyes, mula pa sa Arayat, Pampanga. Inilalapit niya ang kanyang tatlong taong gulang na apong lalake. Dalawang buwang na-‘confine’ sa Mother Theresa Hospital.

Nagkaroon ng pamamaga sa utak ang kanyang apo. Na-‘diagnose’ na nagkaroon siya ng Meningitis o acute na pamamaga ng ‘protective membranes’ na pumapalibot sa utak at ‘spinal cords’.

Na- ‘comatose’ ang bata. Matapos ang gamutan umigi ang kanyang lagay. 

Sa ngayong nagamot na ang meningitis ng apo ni Fliana at nakauwi na rin ito ng bahay subalit patuloy daw ang pagtaas ng blood pressure (BP) nito.

“Gusto nga sana namin magpa-second opinion sa doktor. Kaso may naiwan pa kaming bayarin sa ospital na aabot sa Php200,000 kaya sana po matulungan kami ng PCSO,” pahayag ni Fliana.

Inilalapit din ni Fliana ang maintenance medicines ng kanyang apo. Na nagkakahalaga daw ng Php2,000 bawat tableta.

Bisperas naman ng Pasko, ika-24 ng Disyembre 2013 ng isugod ni Edwin Mallari, taga Mexico, Pampanga ang asawa niyang si Julieta Mallari, 42 taong gulang.

Habang nasa misa ang mga anak ni Julieta, bigla na lang nagdilim ang paningin ni Julieta at nagsusuka.     

Inupo niya ito subalit sa tindi ng pagkahilo halos bumagsak ito sa lupa kaya’t inihiga niya ito sa kama. Tuloy pa rin ang pagsusuka ni Julieta.

Sinugod sa Makabali Hospital, San Fernando Pampanga  si Julieta. Pagdating sa ‘emergency room’ tsinek ang BP nito, 270 over 150.

Mabilis na pina-CT Scan si Julieta at nakitang may pumutok ng ugat sa kanyang utak.

Biglaan lang daw ang pangyayari. Hindi naman siya nakakapagpa-‘check up’. Nakakaranas siya ng mga pananakit ng ulo subalit hindi niya alam na ‘high blood’ na siya.

Pinoproblema ni Edwin ngayon ang Php400,000 na ‘bill’ nila sa ospital.

“Sana matulungan niyo kami. Wala na kaming ibang malapitan… paekstra-ekstra lang ako sa pagiging helper lang po sa talyer,”                 ani Edwin.          

Hindi naman inasahan ni Alma Blanquiza ng Marikina City ang ginawang operasyon sa kanyang mister na si Ramil, 41 anyos.

Ika-24 ng Nobyembre 2013, habang papasok sa trabaho… sa isang ‘super market’ bilang dicer nabangga ng isang kotse si Ramil.

Agad siyang sinugod sa pagamutan subalit pinauwi rin agad dahil wala naman daw pinsalang nakita sa kanyang katawan.

Makalipas ang dalawang linggo bigla na lang nakaramdam ng pananakit ng tiyan si Ramil. Nagsimula ring mangitim ang kanyang kulay.

Ika-22 ng Desyembre 2013, binalik si Ramil sa ospital. Dito nalamang may namuong dugo sa kanyang spleen o lapay.

Kinailangang tanggalin ang namuong dugo sa lapay ni Ramil sa lalong madaling panahon.

Sa ngayon nagpapahilom na lang ng sugat si Ramil. Nung ika-2 ng Enero 2014 pa siya maaring lumabas ng ospital subalit nasa Php186,000 pa ang balanse nila sa ospital. Maliban pa dito kailangan pa ni Ramil ng mga bakuna at uminom ng gamot para sa kanyang tuluyang paggaling.

“Huminging po ako ng tulong sa PCSO walang-wala na po talaga kami sana matulungan niyo kami,” panawagan ni Alma.

Mula sa bayan ng Orap I, Bataan, lumuwas ng Maynila si Genesis Monday, para ihingi ng tulong ang kanyang tiyahing si Gng. Lucila Monday, 64 anyos. Dalaga at dating elementary teacher sa kanilang bayan.

Taong 2012, ng ma-‘confine’ si Lucila matapos makaranas ng pagkabalisa, hindi makatulog, pananakit ng tiyan at hirap sa paglakad.

Nalamang malala na ang sakit sa bato ni Lucila.

“Sampung taon na po may problema sa kidney ang tiyahin ko,” ani ng pamangking si Genesis.

Ayon sa doktor ang pagkahilig sa maalat ng tiyahin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong uri ng sakit.

Dalawampung taon na rin daw itong ‘diabetic’ at umiinom ng maintenance medicine na maaring dahilan ng pagkasira ng kanyang kidneys.

Kasalukuyang dinadialysis si Lucila dalawang beses sa isang linggo Aabot ang gamutan sa halagang Php10,000.

“Sana po matungan niyo ang tita ko. Hirap na po kami sa mga gastusin. Kahit kaunting tulong lang po sana para humaba pa ang kanyang buhay,” hiling ng pamangkin.

“Ang sakit ay maaring dumapo kahit kanino at sa iba’t ibang panahon at pagkakataon. Ramdam namin ang hirap na pinagdadaan ng inyong mga pamilya. ‘Wag kayong mag-alala nandito kami sa PCSO sa “PUSONG PINOY” para kayo’y tulungan,” pahayag ni Atty. Joy.

Ilan lamang sina Genesis, Fliana, Edwin at Alam sa mga lumapit sa programang “PUSONG PINOY”. Mapapakinggan ang kabuuan ng kanilang istorya at ng iba pang pasyente tuwing SABADO, 7:00-8:00 ng umaga sa programang “PUSONG PINOY” dito lang sa DWIZ 882 AM BAND.

SA GUSTONG HUMINGI NG TULONG para sa inyong problemang medikal magpunta lang sa address o mag-‘text’ sa mga numero sa ibaba. Magdala lang kayo ng inyong updated medical abstract.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  O tumawag sa 6387285 / 7104038. Bukas kami Lunes-Biyernes. Magdala lang nga mga dokumentong may kinalaman sa inyong reklamo.

Ugaliing makinig ng CALVENTO FILES sa radyo, ang “Hustisya Para Sa Lahat” Lunes-Biyernes, 3:00PM-4:00PM at Sabado 11:00AM-12:00NN.

Makinig rin kayo ng programang “PARI KO” tuwing Linggo. Mula 9:30-10:30PM kasama sina Fr. Jojo Buenafe, Fr. Jason Laguerta at Rev. Lucky Acuna. Dito lang sa DWIZ882KHZ, Am Band.

EDWIN

FLIANA

JULIETA

KANYANG

LANG

LUCILA

RAMIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with