Autism

NOONG Linggo ay inanyayahan ako ng Autism Society Philippines (ASP) sa pagdiriwang ng kanilang ika-25 taon sa Mall Of Asia Arena upang makiisa sa kanilang Angels Walk for Autism. Sa dalawang oras na pamamalagi sa nasabing event, marami akong nalaman sa autism. Bagamat may kaunting ideya na ako hinggil dito mas lumawak ang aking pag-unawa sa mga may autism dahil sa Angels Walk.

Ang Autism ay isang kondisyon sa utak at mas angkop na tawaging Austism Spectrum Disorder (ASD) dahil napakara-ming uri ang Autism. 

Kadalasang nauunang nakikita ang diperensiyang ito sa early childhood kaya ang maagang diagnosis at intervention ay susi sa mas maayos na kalidad ng buhay para sa PWA.

Karaniwan ito sa mga lalaki kaysa babae. Kahit sino ay maaaring magkaroon ng Autism. Bagamat ipanghabambuhay na kondisyon, ito ay kaya namang i-manage. Mayroong mga indibidwal na may autism ngunit tila normal ang mga buhay at nakakakilos ng malaya.

Pano malalaman kung may autism ang isang bata? Narito ang mga senyales:

- Hirap makihalubilo sa ibang mga bata.

- Umaarte o nagbibingi-bingihan.

- Ayaw matuto.

- Kulang ang kamalayan sa peligro.

- Hirap mag-adjust kapag may nabago sa kanilang routine.

- Hindi makontrol na pagtawa o pag-iyak

- Hyperactive (sobrang likot) o hypoactive (walang gana)

- Weird ang paglalaro (HAL: baliktad ang bisikleta at gulong ang nilalaro)

- Kakaiba ang attachment o pagmamahal sa mga bagay at gamit

- Malayo ang loob sa mga tao

- Hindi malambing

- Hindi kayang makipag eye contact.

- May tendency manira ng mga gamit at manakit

                Ang ASP ay tumutulong at gumagabay sa mga magulang at pamilya ng mga Persons with Autism. Sa pamamagitan ng mga Parent Empowerment seminars, awareness campaigns, training sa panhandle ng mga PWA, pagbibigay ng livelihood programs sa mga PWA at gayundin nagbibigay ng Family Support groups.

                Kung kayo ay mayroong anak, kapatid o kapamilyang may Autism at nahihirapang i-handle sila, dumulog sa ASP para magabayan kayo. Tawagan sila sa 926-69-41 at 929-8447.

Show comments