KUNG ang mga ibon na parrot at myna ay nakapagsasalita, kaya rin itong gawin ng elepanteng si Koshik. Marunong siyang magsalita ng Korean.
Si Koshik ay Asian elephant na matagal nang nasa Everland Zoo sa Yongin, South Korea. Umano’y maliit pa lang si Koshik nang dalhin sa zoo.
Noong 2004, nagpakita na ng kakaibang talent si Koshik sapagkat nakapagsasalita ito ng Korean. Ayon sa kanyang trainer, noong una ay kakaunti lamang ang nasasabing salita ni Koshik pero habang tumatagal ay parami nang parami ang kanyang Korean vocabulary.
Ayon sa trainer, ginagaya ni Koshik ang usapan ng mga taong bumibisita sa zoo. Maraming bumibisita sa zoo kaya lalong nahasa si Koshik.
Ilan sa mga salitang kayang sabihin at memoryado ni Koshik ay: “annyong†(“kumustaâ€), “anja†(“maupo kaâ€), “aniya†(“hindiâ€),
“nuo†(“humiga kaâ€) at “choah†(“mabutiâ€).
Ayon pa sa trainer, walang tigil sa pagsagap ng salita si Koshik kaya marami pa itong masasabi sa hinaharap.