WALANG nagawa ang National Bureau of Investigation (NBI) kundi pakawalan si Davidson Bangayan na ayon sa kanila ay si “David Tanâ€. Nakasisiguro raw sila na si Davidson Bangayan at si “David Tan†ay iisa. Mag-iipon daw sila ng sapat na ebidensiya para madiin si Davidson Bangayan. Patutunayan daw nila na ito ang rice smuggler.
Pinakawalan si Bangayan makaraang makipag-argumento ang lawyer nito at sinabing hindi ito si David Tan na nakasaad sa search warrant. Inaresto si Bangayan ng NBI dahil sa inisyung warrant ng Caloocan City court dahil sa kasong electricity pilferage. Nagtungo sa Department of Justice si Bangayan noong Martes at sinabing siya ay isang businessman na engaged in metal scrap trading. Hindi umano siya rice smuggler gaya ng kumakalat sa mga balita pero inamin na minsan din siyang sumubok sa rice trading.
Sabi ni DOJ secretary Leila de Lima na hindi pa lusot si Bangayan sapagkat marami pa silang katibayan ukol dito. Gaya umano ng address ni Bangayan na katulad din ng address ni David Tan na nakalagay sa warrant. Susulat umano siya sa korte para liwanagin kung bakit hindi binigyan ng access ang NBI na mahalungkat ang records ni Bangayan. Interesado sila kay Bangayan sapagkat ito lang ang tanging tao na lumulutang at namamayani sa rice smuggling. Mapapatunayan daw nila ito at kapag nakakalap sila nang marami pang ebidensiya, hindi na makakahulagpos sa batas si Bangayan.
Nararapat lamang na kumalap o humanap pa nang marami at matitibay na ebidensiya ang NBI laban kay Bangayan na sinasabi nilang si “David Tanâ€. Nakakahiya na matapos arestuhin ay pakakawalan dahil mahina ang ebidensiya. Bakit hindi simulan ang imbestigasyon sa Customs. Tiyak sila ang makapagsasabi kung si Bangayan at si “David Tan ay iisa. Baka mayroong alam si dating Customs commissioner Ruffy Biazon at si dating Customs for Intelligence Danilo Lim ukol sa pagkatao ni Bangayan o ni “David Tanâ€.